Kabanata 7

8.7K 198 68
                                    

"Bitawan mo nga ako"inalis ko ang kamay kong hawak nya.

Tumigil sya sa paglalakad at liningon ako, bumuntong hininga sya. Seryoso nya akong tiningnan.

"What the Hell Aver! hindi mo ugaling makipag away"he look flustered.

Lalampasan ko na sana sya sa paglalakad ng hawakan nya ulit ang kamay ko at binalik sa kinatatayuan ko.

Hawak nya ang balikat ko at pinagtama ang tingin namin pero agad din ako umiwas.

I can't even look at he's eyes, hindi ko alam kung bakit.

"Look at me Avery"

Hindi ako nakinig, nasa paanan ko ang tingin ko.

"Hindi mo dapat ako pinigilan Sir, wala kang alam kung paano ako magtimpi sa babaeng yon"

Kumulo ang dibdib ko sa tagal  kong nagtitimpi hinahayaan ko syang husgaan ako, tawagin akong retokada, mukhang pera at kahit ano ano pa hinahayaan ko lang pero sobra rin minsan.

"I know, pero hindi ka dapat makipag away Avery"

"So! Sila pwede?"agad kong sagot.

Binitawan nya ako at naglakad papunta sa likod ko, kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko.

"Ano...anong ginagawa mo?"sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ng amoyin nya ang buhok ko. niyakap nya ako patalikod.

"Kahit amoy isda ka...sh*t! mahal pa rin kita"

Uminit ang pisngi ko, lumayo ako at mas lalong hindi makatingin sa kanya. inamoy ko ang sarili ko.

Amoy isda nga talaga ako, Pero anong sinabi nga mahal nya ako? tama ba ang pandinig ko, masyadong mahina para maintindihan ko.

Sinamaan ko sya ng tingin, yayakapin nya ako sasabihin amoy isda ako, sinong tanga ang gagawin iyon.

"Sabi mo sa'kin asawa kita...paano nangyari iyon?"naguguluhan tanong ko.

Noong unang kita namin pinipilit nyang asawa ko sya....paano ako nawalan ng alaala? anong nangyari sa'kin noon?

Sa dami ng tanong ko sya lang pwedeng makasagot, dapat hindi ako magtiwala sa kanya pero ang lapit lapit ng loob ko sa kanya.

"Sa Hotel tayo mag-usap"akmang hahawakan nya ang kamay ko ng ilayo.

"Pwede mo akong kausapin ng hindi hinahawakan ang kamay"

"Para kang legendary gun' hard to get but lucky to have"

"Huh"

Nilampasan nya lang ako, sumunod ako sa paglalakad.

Babanat tapos iiwan din pala ako, halos tumakbo na ako sa bilis nya maglakad.

Napansin nyang naghahabol ako kaya binagalan nya ang paglalakad para magpantay kami.

Gumagawa ako ng distanya para samin dalawa, baka sabihin pang amoy isda na naman ako.

Tumigil kami sa isang puting sasakyan sa harap namin, kumunot ang nuo ko ng pagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan.

"Ano gagawin ko?"

"Ibebenta mo ang sasakyan"

"Huh"

"Damn baby! malamang sasakay ka"

Mabilis akong sumakay ng sasakyan, mukhang nag iinit na rin ang ulo sa mga tanong ko.

Pero infairness ang gwapo nya kapag galit, paano nya kaya ako niligawan bago kami kinasal?.

Sinundan ko sya ng tingin hanggan sa makapasok na rin sya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon