Kabanata 21

7.8K 165 18
                                    

Kahit small party lang kitang kita pa rin ang ingrande ng mga design.

Dito talaga sa tabi ng dagat ginanap ang party, kaunti lang ang tao dahil mukhang friends lang nya ang dumalo.

Malayo naman ang mga bahay dito sa resort kaya wala rin maiistorbo kung malakas ang music.

Kukunin ko sana ang wine para uminom ng may umagaw sa kamay ko, sinundan ko ng tingin.

Napalunok lamang ako ng maubos ni Archer ang wine para sa'kin, pinunasan nya basa nyang labi gamit ang hinlalaki ng daliri nya.

"You can't be drunk baby"nilapag nya ang baso at nagsalin ulit ng wine.

"Ang tanda ko na para pagbawalan"bulong ko pero sinigurado kong hindi nya maririnig dahil makalas ang pandinig ni Archer

Uminom lamang ako ng tubig.

Lumapit si Clara sa amin.

"Pwede ko bang hiramin si Archer kahit sandali lang?"

Kumunot ang nuo ko, binalingan ko ng tingin si Archer.

"Pwede naman, basta ibabalik mo rin sya sa'kin"sabi ko.

"Thank you Miss, btw enjoy mo ang food may gagawin pa tayo mamaya pagkatapos nito"sabi nya.

"Are you sure baby? isasama ki-"

"Okay lang ako Archer, diba sabi mo sandali lang?"tumingin ako kay Clara, tinanguan nya ako.

Dahil nga katapat din ang dagat hindi ako madaling mabored.

"I'll be back baby, wag kang iinom ng wine"bilin nya.

Ngumiti lang ako bilang sagot

Nang umalis na ito nagsalin ako ng wine sa baso, may sariling groupo ang mga tao, wala naman kumakausap sa'kin

I'm not belong to them, hindi ko rin ugaling mamansin ng mga taong hindi ko kilala.

Kung uunahin nila ako okay pa.

Lumayo ako ng kaunti dala ang wine sa kamay ko, malakas ang ihip ng hangin.

Natatangay nito ang suot kong dress.

Ang fresh ng hangin kasabay ng hampas ng dagat.

Uminom ako ng wine.

Kahit sabihin nyang wag akong uminom hindi pa rin ako susunod, kapag wine lang naman ang iniinom ko hindi ganoon kalakas ang tama sa'kin.

Naramdaman kong may lumapit sa'kin, binalingan k osya ng tingin pero agad ko rin binalik ang tingin sa dagat.

"Ikaw ang asawa ni Archer Pascoe right?"tanong nya.

"Oo"maikling sagot ko.

"Marunong naman pala sya mamili"

Lumayo ako ng isang hakbang sa kanya, hindi ko sya kilala dahil kusa nalang syang lumapit sa'kin.

Mukhang may tama na rin ito ng kalasingan, kanina pa nagsisimula ang party kaya malamang marami ng nainom ang lalaking to.

"Maganda diba ako?"ani ko.

"Of course"

"Pero bakit nagawa pa rin akong lokohin dati?"bulong ko.

"What?"hindi nito narinig ang sinabi ko.

"Bumalik kana sa party, baka hinahanap ka nila"

Lumapit sya sa'kin, lumakas ang kabog ng dibdib ko ng ilan pulgada nalang ang layo ng katawan namin.

Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong baso, itutulak ko na sana sya ng may ibulong ito.

"Your husband watching us"amoy na amoy ko ang alak galing sa kanya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon