Kabanata 28

11.1K 236 144
                                    

Bumagsak ang hawak kong wig.

Nanginginig ang katawan ko habang tinitingnan si Archer na papalapit sa'kin.

"Archer"tumulo ang luha ko.

Pupulutin ko na sana ang wig ng biglang unahan na ako ni Archer.

"Wife..ba-bakit kailangan mong sarilin lahat? Bakit kailangan mong sabihin na ikaw si Naomi para itago sa'kin ang lahat"tiningnan nya ako sa mata.

Kinagat ko ang ibabang  labi ko.

"Akin na yan"aagawin ko na sana ng ilayo nya sa'kin

"Wife"he broke his voice.

"Archer akin na"malakas na sigaw ko.

Nagulat ako ng biglang lumuhod si Archer at pinaghahalikan ang kamay ko.

"Wife i'm sorry, nagpakatanga na naman ako, sorry"tumulo ang luha nya, tiningala nya ako.

Ginulo ko ang buhok nya sabay ngiti.

"Wag kang humingi sa'kin ng sorry  Archer, hindi ako galit sayo, tumayo kana jan"

"No..ang dami dami kong kasalanan sayo, sorry kung naniwala agad ako sa kanila, patawad sa lahat"

Umupo ako at pinagpantay ang tingin namin, pinunasan ko ang luha nyang patuloy sa pagpatak.

"Matagal na kitang pinatawad Archer, wala akong sinisisi sa nangyayari sa'kin"

Gustong gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi ko lang sya.

Sya lang ang nagbibigay sa'kin ng lakas.

Sa totoo lang marami akong kasalanan kahit hindi ko aminin iyon.

I'm not a good wife for him.

Bigla nya akong niyakap at umiyak sa bisig ko.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka gumagaling Wife, ayokong mangyari ang nangyari noon"bulong nito.

Dahil hindi naman mabuti ang lakad ko, binuhat nya lang ako at dinala  sa sasakyan

Pumasok si Archer sa sasakyan, akmang bubuhayin na nya ang makina ng pigilan ko sya.

"Magpapaalam lang ako"ani ko.

Tumango sya.

Lumabas sya at lumibot para buksan ang pinto ng sasakyan sa tabi ko.

Binaling ko ang tingin ko sa taong nakatingin sa'kin sa tapat ng pinto.

"Kaloy"tawag ko sa kanya.

Kumaway sya sa'kin.

"Salamat sa lahat"sigaw ko.

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi nya dahil masyadong mahina.

Alam kung sinadya na iyon para hindi ko marinig.

"Paalam"bulong ko.

Dahan dahan sinarado ni Archer ang pinto ng sasakyan

Unti unti na rin kami palayo kay Kaloy.

"Let's meet again kaloy"bulong ng isip ko.

Sana mahanap nya ang totoong babaeng magmamahal sa kanya ng tunay.

Hinaplos ni Archer ang kamay ko habang ang isa naman nyang kamay hawak ang manibela ng sasakyan.

"Matulog ka muna"ani nya.

Ngumiti ako at dahan dahan pinikit ang mata ko.

Ang daming proseso na ang nangyari sa'kin.

He even contact the best doctor in Saudi.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon