Kabanata 14

8.2K 184 17
                                    

"Pa..paano nangyari lahat nang ito?"hindi makapaniwalang sabi ng babae.

I'm still not ready for this question, kahit ako wala rin akong alam kung paano ako namatay.

Umatras ako at lumapit kay Archer, nagtago lamang ako sa likod nya.

"She lost her memories tita, wag po tayong magtanong ng mga bagay na ikakasakit lang ng ulo nya"

Nabigla lang ang babae sa sinabi ni Archer, habang ako nagtataka pa rin sa nangyayari.

Akmang lalapit ang babae nang umatras ulit ako.

Humawak ang dalawang kamay ni Archer sa kamay ko, binalingan nya ako ng tingin.

"Don't be scared baby, mommy mo sya"

I'm not scared of her, ang pinagtataka ko lang kung bakit sobrang sama ng tingin ng babae sa'kin sa likod ni Mom.

Kanina ko pa napapasin ang titig nya, mukhang may balak na masama sa'kin.

"Tita wag kayong magtiwala sa kanya agad, sa dami nang magkamukha dito sa mundo malamang isa rin sya sa kamukha ni Avery, kailan pa nabuhay ang patay?"inirapan nya ako.

Napayuko na lamang ako.

"She's Avery, ramdam ko iyon"

"Tita paano kung nagparetoke lang ang babaeng yan para gayahin ag mukha ng anak nyo, para makuha nya ang kayamanan nyo, Si Archer na mismo ang nagsabi na she lost her momeries kaya wag natin sya pagkatiwalaan"

Tinikom ko ang bibig, tama naman sya mahirap talaga ako pagkatiwalaan pero nasa kanila na kung maniniwala sila, hindi ko ipipilit ang sarili ko.

Napatingin ako sa kamay ko ng biglang higpitan ni Archer ang paghawak, pilit kong inaalis pero ayaw nyang bitawan.

"Hindi tayo pumunta dito para magtago ka, tutulungan kita, nasa likod mo lang ako"

Tumango ako, pumunta ako sa harap nila para harapin si Jema, nakakainis sya literal.

"Hindi po ako pumunta dito para ipagsabing Anak nya ako"lumingon ako kay mom na nakatingin lang sa'kin"bumalik ako dito para alamin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito"

"Ang sab-"

"Shut up Jema"nagulat sya sa biglang pag sigaw ko.

It's hard to control your self kapag hindi matinong tao ang kaharap ko.

"You can stay here, aalis din kami agad ni Archer, kung sa tingin mo aagawin ko sayo ang kayamanan hindi naman sayo nagkakamali ka, I'm here to solve my problem wala akong planong kunin ang bagay na dapat sa'kin din mapupunta"

Kumunot ang nuo ko ng lahat sila matahimik dahil sa sinabi ko, iniisip ko kung may mali ba akong nasabi pero wala naman.

"Avery"boses ni mom

Lumapit sya sa'kin at niyakap ulit ako.

"Ikaw nga ang Anak ko"narinig ko ang pagsinghot ni Mom sa balikat ko.

Nagdabog na umalis si Jema, pero hindi nakalampas ang masama nyang tingin sa'kin na halos patayin na rin ako.

After namin makipag usap umalis din kami agad ni Archer, ayaw ni mom pumayag pero wala syang nagawa dahil mapilit ako.

Ayokong makasama ang babaeng yon sa iisang bahay, baka araw araw gulo.

Tahimik lang kaming dalawa sa byahe pabalik nang manila, hindi ko rin alam kung saan ako unang mag uumpisa lalo't hindi ko naman kinukwento kay Archer lahat nang nalalaman ko, I want to keep it, hanggat hindi pa nabubuo lahat ng plano ko.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon