Kabanata 20

8.3K 185 26
                                    

Dumalaw ako sa puntod ng kapatid ko, ilan taon na rin ang lumipas ngayon ko lang nasilayan ulit ang libining nya.

Ano kaya pakiramdam ng ilagay sa puntod mo ang hindi mo totoong pangalan?.

Tinabi ko sa kanya ang dala kong bulaklak, wala akong dalang candles kaya umupo na lamang ako.

I read my own name.

"Kumusta kana kaya? sorry kong ngayon lang ako nakadalaw sayo ang dami kong pinagdaan kaya nalimutan kong dalawin ka, pero babawi naman ako ngayon"ngumiti ako habang nakatingin sa puntod.

Malinis pa rin hanggan ngayon ang puntod dahil pinapanatili nila mom na linisin araw araw ang puntod.

Naramdaman ko ang pag ihip ng malakas na hangin tumama sa katawan ko. pumikit ako at dinama ang hangin

"Alam kung hindi mo pa rin ako hinahayaan, bantayan mo ako palagi dahil ikaw lang ang kakampi ko dito"

Ang sayang kausapin ang twin sister ko kahit hindi ko na sya nakikita o nakakasama man lang.

Atleast ramdam ko naman ang presensya nya.

Nagmulat ako ng mata.

May mga tao naman akong nakikita sa malayo, siguro nandito rin sila para dalawin ang pamilya nila.

Hinaplos ko ang pangalan na nakalagay sa puntod.

"Sasabihin ko rin sa kanila ang lahat, nag iipon lang ako ng lakas ng loob"bulong ko.

Gusto kong gumanti sa kanila pero bakit hindi ko magawa, iniisip ko palang alam ko ng pagsisihan ko na agad.

Tumayo ako at inayos ang suot kong puting dress, tumingala ako sa kalangitan, mukhang nagbabadya na rin umulan dahil nagdidilim ang kalangitan.

Kailangan makaalis na ako bago pa tuluyan bumuhos ang ulan.

"Dadalawin nalang kita ulit, hintayin mo lang ako"

Tumakbo ako palabas ng sementeryo, agad akong pumara ng taxi.

May kalayuan din ang puntod kong saan nakalibing ang kapatid ko.

Saktong pagbubos ng ulan ng makasakay na ako ng taxi.

"Buti nalang hindi ka naabutan ng ulan Ma'am"sinilip ako ni kuyang driver gamit ang salamin nya.

"Oo nga po kuya, saktong sakto sa pagdaan nyo"ngumuti ako.

Umabot ng isang oras ang byahe pauwi dahil sa lakas ng ulan at traffic dito sa manila.

Narinig kong tumunog ang telepono ko kaya agad kong sinagot ang tawag at tinapat sa tainga ko.

"Where are you? kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot?"mukhang galit na rin ang boses nito.

Sumilip ako sa bintana. hindi pwedeng dumiretso ako ng pauwi ng bahay dahil baka manghinala si Archer.

"Nasa Sm ako"agad kong sagot.

Saktong saktong nasa tapat ako ng Sm, tumingin si kuya sa'kin kaya senensyahan kong palikuin nya ang sasakyan at pumunta ng Sm.

Tumango sya at sumunod sa sinabi ko kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

"Susunduin kita, wag kang sasakay ng taxi"sabi nya at pinatay ang tawag.

He didn't ask kung ano man lang ang ginagawa ko dito, bakit pati iyan kailangan kong dramahan.

Tinigil ni kuya driver ang ang taxi sa tapat ng sm, sobrang lakas ulan kaya nga aalinlangan akong bumaba dahil mababasa ako.

Sinobrahan ko ang bayad kay kuya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon