Kabanata 15

8.1K 186 7
                                    

Pag gising ko wala akong naabutan tao sa bahay maliban sa sarili ko, kahit saan sulok hindi ko makita si Archer. wala man lang syang iniwan na papel kung saan nagpunta.

May nakahandang pagkain sa lamesa, hindi na ako magtataka kung hindi sya ang nagluto, ang luto nyang itlog sunog pa, ang kanin hindi masyadong luto.

Kinain ko nalang din para hindi na sayang, nasobrahan ng asin ang itlog.

"Tao ba pinapakain nya?"hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.

Pagkatapos kong kumain naglinis na ako ng sarili, nagtataka nga ako kung paano napalitan agad ang design ng bahay.

Napatingin ako sa oras sa taas, alas dose na ng hapon hindi pa rin bumabalik si Archer, umupo ako sa sofa at sinubukan magbasa ng librong palagi nyang binabasa.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan, tumayo ako dahil akala ko si Archer na pero hindi pala.

Nawala ang ngiting sumilaw sa labi ko ng makita ko kung sino ang pumasok.

"Jema anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

Ngumisi syang lumapit sa'kin.

Hindi mawala ang mapang asar nyang tingin na para bang hinuhusgaan ang buong pagkatao ko.

"Naniniwala na akong ikaw si Avery hahahha...paano ka nabuhay? ano iyong kampi ni satanas"

"Hindi kita maintindihan"

Nawala ang ngiti nya at seryosong tumingin sa'kin

Blanko lang ang tingin binibigay ko, ayokong makipag away sa kanya, pero kung hindi nya ako tatantanan lalabanan ko talaga ang babaeng to, pakiramdaman ko kilang kilala ko na sya.

Hinaplos nya ang pisngi ko sabay pisil ng malakas.

"Stop pretending na nawalan ka ng na aalala Avery, kilala ko ang ugali mo, mahilig kang magsinungaling"malakas na sigaw nya mismo sa harap ko.

"Ano ba? nasasaktan ako"hinawakan ko ang pulpusan nya.

Sa sobrang lakas ng pagkakahawak ko sa kanya naitulak ko itong ng malakas kaya tumama ang likod nya sa sofa.

Sinubukan kong lumapit para tulungan sya pero...

"Wag kang lalapit sa'kin baliw"tumayo sya mag isa, sobrang sama ng tingin nya sa'kin.

Ayoko talaga ng gulo, pero mahihirapan akong kontrolin ang sarili ko kung ipagpapatuloy nya ang pagsugod sa'kin.

"Umalis kana Jema"mahinahon kong sabi.

Mapakla syang natawa, nagulat ako ng bigla syang pumalakpak sa harap ko.

Atras ako ng atras ng maglakad sya papalapit sa'kin.

"Hindi mo matatago ang lahat sa'kin Avery, sabihin mo na kung paano ka nabuhay? hindi ako titigil hanggat hindi mo inaamin samin na hindi nabura ang alaala mo"

"Ano bang mapapala mo sa'kin Jema? hinayaan na kitang tumira sa pamilya ko"

"Pera"halos mag echo na ang boses nito sa buong bahay"kapag namatay ka makukuha ko lahat ng perang ipapama ng pamilya mo"

Tumama ang likod ko sa pader, sh*t! wala na akong maatrasan.

"Baliw ka"

"Oo baliw na ako, Avery kung hindi ka bumalik....mapapasakin na lahat ng pera"isang butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata nya.

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam na ganito na pala sya kadesperada makuha lang lahat ng pera ng pamilya ko.

"Kaya mamatay kana"bigla nya akong sinakal.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon