Kabanata 22

7.9K 175 23
                                    

Sobrang gulat ko ng makitang ang kalat ng buong kwarto namin ni Archer, agad kong pinulot ang mga damit namin.

Nilampasan nya ako at kinuha ang laptop nya, pumunta sya sa study table at doon umupo sabay bukas ng laptop nya.

"Sino kaya ang pumasok sa bahay?"tanong ko, nakalabas lahat ng gamit namin,ang mga ibang documents ni Archer nasa sahig na rin.

Pinulot ko iyon isa isa.

Mukhang may galit talaga ang may gawa nito sa'min.

"Jema"ani ni Archer.

Kumunot ang nuo ko at lumapit sa kanya, kinuha ko ang laptop sa kanya at tiningan ang kuha ng cctv.

Nakita kong pumasok si Jema, may dala syang kutsilyo, lahat ng kabinet binuksan nya at pinagtatapon ang mga gamit, kahit walk-in-closet hindi nya pinalampas.

"Kaya mo talaga akong patayin"bulong ko sa sarili.

Pinatay ni Archer ang laptop at tiningnan ako.

"Kukuha ako ng mga tao para bantayan ang kinikilos nya, hindi ko hahayaan makalapit sya sayo, she's crazy"

"Alam ko, pero hayaan muna sya kaya ko naman ang sarili ko"

"No, baka ano lang ang gawin nya sayo"protesta nya.

"Ewan ko sayo"ani ko at tinalikuran sya.

Pinulot ko ulit ang mga gamit namin, tinulungan nya rin naman ako, buti nalang walang napunit na gamit.

Dapat talaga ipa mental ko na ang babaeng yan, ilan ulit ko bang ipapaintindi sa kanya na hindi ko kailangan ng pera ng pamilya ko.

Pagkatapos namin maglinis, bumaba muna si Archer para hindi ko marinig ang pinag uusapan nila sa cellphone.

Tumawag ako kay dad para ipakita sa kanya ang cctv na nakuha ko sa laptop ni Archer.

Alam ni dad ang tinatagong ugali ni Jema pero si mom wala pa rin alam.

Sinabi ko sa kanya ang ugali ni Jema, naniwala naman sya agad kaya hindi ako nahirapan.

Ilan sandali pa bumalik na rin si Archer.

"Sasamahan kita"

"Saan?"

"Sa hospital"simple nyang sagot.

"Huh? anong gagawin natin doon?"

Wala naman akong sakit.

"Magpapa check up ka, sasamahan kita ngayon"ani nya at kumuha ng bagong damit.

Ang alam nya talaga nagpapacheck up ako palagi pero hindi naman.

Nang hindi sya lumingon sa'kin nagtext na agad ako kay Xian na darating ako para maghanda na rin sya.

"Sige"

Lumapit sya sa'kin at hinaplos ang pisngi ko.

"Hindi naba sumasakit ang ulo mo?"

Hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.

"Sumasakit naman pero hindi na ganoon"pagsisinungaling ko.

Tumango sya, hinawakan nya ang kamay ko at inaya lumabas ng bahay.

Kakarating lang namin aalis na agad kami, hindi naman ako pagod pero gusto ko mo na magpahinga.

Pero baka magtaka sya kapag tumanggi ako.

Wala bang kapaguran ang buhay ni Archer?.

Sumakay kami ng sasakyan.

Hindi naman ganoon katagal ang byahe kaya nakarating din kami agad, nauna akong bumaba bago sya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon