Kabanata 10

8.5K 190 31
                                    

"Naging masamang asawa ba ako noon para saktan mo ako ng paulit ulit?"

Patuloy ang pagbuhos ng luha ko, Hindi ko lubos maisip na sobrang sama pala ng trato nya sa"kin, He's hurting me physically and emotionally.

"Baby.."

"Wag mong subukan lumapit Archer, kinamumuhihan kita"malakas na sigaw ko, halos manginig na ang buong katawan ko sa galit.

Isang hakbang ang ginawa nya, pinipigilan nya ang emesyong gustong kumawala sa kanya.

"I will explai.."pinutol ko ang sasabihin nya.

"Then explain kung bakit mo ako sinasaktan noon? ipaliwanag mo kung anong klaseng tao ka? dahil kong huhuluan ko lang isang kang demonyo"

I can't stop my self form crying, gusto ko syang pagsampalin ng paulit ulit at ipamukha sa kanya ang lahat.

Kaya ba gusto nya akong balikan para saktan ulit at manood ng mga demonyong ginagawa nya habang nangbabae sya.

"Yeah! demonyo ako noon pero Avery pinagsihan ko lahat, buong taon kong sinisisi ang sarili ko ng mawala ka saakin"

"You deserved it, pero sa tingin mo sapat na iyon?"

Nagulat ako ng biglang tumulo nag luha nya pero hindi pa rin ako nagpapaapekto.

He's just acting para maawa ako sa kanya, pero hindi na tatalab sa'kin, puno nang galit ang dibdib ko

"I'm sorry Wife, Hindi ako naging mabuting asawa sayo noon-"

"Sorry?"mapakla akong natawa.

"Walang mapapala ang sorry mo Archer sa....lahat ng sakit naidulot mo sa'kin, pati buhay....ko muntik ng mawala...ang anak ko"

Bakit kailangan humantong pati anak ko kailangan mawala sa'kin?.

Bigla nya akong niyakap at siniksik ang sarili sa leeg ko, nagpumiglas ako pero sa sobrang lakas nya hindi ko sya maitulak.

"You remember your worst memory avery not our Best memories"

Malakas ko syang tinulak kaya nabitawan nya ako.

"Stop Calling me Avery dahil patay na ang asawa mo, Si Tina na ang buhay ko ngayon dahil simula ngayon tuluyan ko ng buburahin ang alaala natin"

Tumalikod ako pero hindi pa ako nakaka tatlong hakbang may yumakap na sa likod ko.

"Hindi ako titigil hanggat hindi bumabalik ang alaala mo"bulong nya, humigpit ang pagkakahawak nya sa bewang ko.

Pumikit ako at dahan dahan inalis ang kamay nyang nakahawak sa bewang ko.

"Tigilan mo na ako, hayaan mo naman akong maging masaya"nanghihina ang buo kong katawan.

Tuluyan kong binitawan ang kamay nya, buti nalang hindi nya ulit ako pinipigilan dahil baka masaktan ko lamang sya.

Sa ilan oras kong paglalakad hindi ako nakaramdam ng pagod, Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko para nang namanhid ang katawan ko.

Tumigil ako nang nasa harap na ako ng tulay, bumaba ang tingin ko sa malakas na agos ng tubig.

Mapakla akong napangiti, parang gusto ko nang tapusin ulit ang buhay ko pero ang hirap gawin dahil pakiramdam ko may ko lang pa rin sa'kin ko.

Umupo ako at hinayaan ang sariling umiyak habang yakap ang dalawang tuhod.

Maraming sasakyan tumigil sa harap ko para magtanong kung okay lang ba ako? Hindi ko magawang sumagot kaya ang iba iniwan nalang din ako.

Nanatili akong nakaupo, ang sakit isipin lahat ng dinanas ko mula sa kamay nya? magtitiwala na ako bakit ngayon pa?

Ngayon pang iibigay ko na ang sarili sa kanya? nahuhulog na ako.

"Tina"isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Tumingala ako, ngumiti ako ng makita kong nakatayo si Lola sa harap ko.

"Lola...pano ako..napunta sa inyo?"nawawalan na ako ng boses.

Umupo sya at pinagpantay ang tingin namin, hinaplos nya ang pisngi ko at ang nakaharang na buhok inipit nya sa tainga ko.

"Ikwekwento ko sayo ang nalalaman ko, kahit naman itago ko darating din ang panahon babalik din ng tuluyan ng alaala mo?"

Tinulungan nya akong tumayo, hindi ko sya natiis kaya kusa ko nalang sya niyakap, iniyak ko lang lahat sa bisig nya.

Hinyaan nya lamang akong umiyak habang hinahaplos ang likod ko.

Naglakad lamang kami pauwi, natatangay ng malakas na hangin ang buhok ko, pakiramdam ko gumaan ang loob ko sa ilan oras namin paglalakad.

Pagpasok namin ng bahay wala si Lolo, iniwan mo na ako ni lola sa sala at kumuha ng maligamgam na tubig.

"Uminom ka mo na, nakakapaos ang pag-iyak ng matagal"

Kinuha ko ang basong may lamang tubig at uminom, halos maubos ko na sa sobrang tuyo ng lalamunan ko.

Nilapag ko ang baso sa lamesa, kumunot ang nuo ko ng may ilabas si lola na maliit na papel.

"Ito lang ang iniwan samin noong dalawang babaeng naghatid saiyo papunta samin"

pinasa nya sa kamay ko ang maliit na papel, bubuksan ko na sana ng pigilan nya ang kamay ko.

"Hayaan mo muna ako magkwento bago mo buksan ang maliit na papel"

Bumuntong hininga ako, hindi mawala sa'kin ang kaba ng tiningnan ako ng seryoso ni lola pero hindi ako nagsalita hanggan sa matapos ang kwento nya.

Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Tatlong taon na ang nakalipas ng merong bumisitang dalawang babae, napaka ganda nilang mga bata, noong una nagtataka ako kung bakit sila dumayo sa lugar natin e mukha naman hindi sila sanay sa ganitong klaseng lugar, hanggan sa lumapit sa'kin ang batang maikli ang buhok at tinanong nya ako kung gusto ko ba magkaroon ng anak, dahil wala akong anak tumango ako dahil gusto ko nga talaga magkaroon ng anak"

"Dalawang linggo silang hindi nagpakita samin ng lolo mo, hanggan sa dumalaw naman ang babaeng mahaba ang buhok at mukhang doctor dahil maraming alam sa mga sakit at magaling din gumamot ng may sugat"

"Tinanong nya ako kung marunong ba talaga ako mag-alaga, tumango ulit ako hanggan sa lumipas ang dalawang buwan nagpakita ang dalawa, ngunit kasama kana"hinaplos nya ang palad ko.

"Wala kang malay noon dinala ka nila dito sa bahay, halos ang putla ng buong katawan mo at magpapakamalan patay kana pero sabi ng mahaba ang buhok meron kalang daw naimom na gamot"

"Mahigit isang taon ka nilang binabanatayan at binibigay ang kailangan ng katawan mo, maraming gamot ang pinainom nila sayo para lang gumising ka...hanggan sa tuluyan ng bumabalik ang katawan mo sa dati, binilin ka nila sa'kin nang makitang maayos ayos kana kahit hindi kapa nagmumulat ng mata"binuklat nya ang kamay kong hawak ang papel.

"Iniwan nila sa'kin papel, kapag meron daw akong kailangan hanapin ko nalang sila sa pangalan nayan"

Binuklat ko ang papel, agad kumunot ang nuo ko dahil pamilyar sa'kin ang nakaukit na pangalan.

"Chloe Anderson"ang pagkabasa ko.

Tumingin ako kay lola.

"Wala ba silang iniwan na iba lola?kahit maliit na parte lang sa pagkatao nila?"

Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko, anong kinalaman nila sa buhay ko?bakit nila ginawa sa'kin iyon?.

"Tangin yan lang ang iniwan nila sa'kin anak, patawad dahil mas pinili nilang itago ang totoong pagkatao"

Ngumiti ako at pinakitang ayos lang sa'kin ang lahat pero ang totoo ang sakit ng ulo ko kakasip kung sino na naman sila sa buhay ko.

Una si Archer ang asawa kong demonyo pangalawa sino naman ang dalawang babaeng nagdala sa'kin kay lola, iisipin ko pa lamang ang susunod para nang mabibiyak ang utak ko.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon