Kabanata 25

7.3K 161 52
                                    

"what are you talking about Jema, matagal ng patay si Naomi"galit na sigaw ni Archer at pilit nya akong tinatago sa likod nya.

Lumapit si Jema kay Tita.

"Archer dapat kilala mo kung sino ang asawa mo"maluha luhang sabi ni Mom.

"Naomi"tawag ni Dad sa'kin.

Umiling ako.

Hindi ko kayang lumapit sa kanila, wala silang alam kung sino talaga ako.

"Naomi sabihin muna sa'min ang totoo, wag kang magtago sa pangalan ni Avery"Sigaw ni Jema.

Nanginginig ang kamay ko.

Liningon ako ni Archer.

Tiningala ko sya, kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Nagsasabi ba sya ng totoo?"

Hindi ako nagsalita.

"Oppss, hindi lang pala yan"naglakad si Jema papalapit sa'kin at hinablot ako.

Hinayaan lang nila ako.

Kahit si Archer walang ginawa kung hindi titigan lang ako.

"Bitawan mo ako"bulong ko, wala akong lakas para manlaban.

Nilakasan nya ang paghawak sa braso ko.

"Tama na ang panloloko Naomi, dahil ngayon mismo malalaman nila ang totoo"sigaw nya.

Tumingin ako kay Archer, at kay dad.

They looks so dissapointed.

Mauulit na naman ang dati.

"Look tito"bigla nyang hinawakan ang buhok ko at pinakita ang scar sa leeg ko.

Napatakip ng labi si Mom kasabay ng pagtulo ng luha nya.

"Na...Naomi"nanginginig nyang tawag sa'kin.

Walang akong nakitang reaction sa mga mata ni dad at Archer pero alam kung sa loob loob nila galit na sila sa'kin.

Inalis ko ang kamay ni Jema sa'kin.

"Bitawan mo ako sabi"sigaw ko sa kanya.

Sa sobrang inis ko, tinulak ko sya kaya napasalampak sya sa sahig.

"Naomi"inis na inis nyang sigaw

Walang pumansin sa kanya.

Naglakad ako papalapit kay Mom pero bigla syang umatras.

"Naomi pa..paano mo nagawa sa'min ito? pinaniwala mo kaming patay ka na"

"Mom.."sunod sunod ang pagbuhos ng luha ko.

"Wag kang lalapit sa'kin Naomi, pinaniwala mo kaming lahat na ikaw si Avery, sinubukan mo pang magpanggap na nawalan ka ng alaala, bakit? Anong pumasok sa isip mo at magsinungaling sa'min"lumapit sa kanya si Dad para alalayan sya.

Umiling ako.

Lumingon ako kay Archer pero hindi nya ako pinansin.

Lahat sila nilalayuan ako.

"Tita"rinig kong boses ni Jema at lumapit kay tita.

Yumakap sya dito.

Napaluhod ako.

"Sorry..."tangin nasabi ko nalang.

Biglang lumapit si Archer sa'kin at tinulungan akong tumayo pero hindi nya ako matingnan sa mata.

Walang salitang lumalabas sa bibig nya pero alam kung galit na galit na rin sya sa'kin.

"Archer"mahina kong tawag sa pangalan nya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon