Kabanata 26

6.9K 161 20
                                    

Kumuha ako ng bulak at betadine.

Dahan dahan kong dinadampi sa sugat nya.

"Bakit nandito ka?"tanong ko, nasa sugat nya ang tingin ko.

"May nag offer sa'kin na trabaho dito, mas malaki daw ang sahod"ani nya.

Tumango ako

Pagkatapos kong gamotin ang sugat nya binalik ko na lahat ng gamit.

Tatayo na sana ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko.

Naghintay ako ng sasabihin nya.

"Bakit naglalakad ka mag-isa, nasaan ang asawa mo?"kunot nuo nyang tanong.

Ngumiti ako.

"Tyaka nalang natin pag usapan yan Kaloy, mas mabuting ligtas tayo pareho"inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Hindi naman gaano kalaki ang inuupahan nyang bahay, pumunta ako sa sala at nilapag ang medicine kit na hawak ko.

Kumuha ako ng malamig na tubig at uminom.

Napa angat ang tingin ko ng sundan nya ako.

"Pinalayas kaba nya?"

Agad akong umiling.

"Kasalanan ko rin naman ang lahat Kaloy, kung nagpakatotoo ako hindi rin mangyayari sa'kin to"

Bigla syang umupo sa harap ko.

"Pero hindi iyon sapat para palayasin ka, napaka gago nya"

"Kaloy"

Para syang natatawa.

"Sa tagal natin magkaibigan Tina i mean Avery, pakiramdam ko hindi pa rin kita kilala ng lubusan"lumungkot ang mga mata nya.

Hinaplos ko ang kamay nyang nakalapag sa lamesa.

Si Kaloy ang una kung naging kaibigan sa Palawan, sa ilan taon namin pagsasama napatunayan kong mapagkakatiwalaan talaga sya.

Napaka bait nya rin.

"Kung ano ang pinapakita ko Kaloy, ganoon talaga ako"sinandal ko ang sarili at binitawan ang kamay nya.

Linibot ko ang tingin ko.

"Ayaw ko naman maistorbo kita, kapag nakahanap na ako ng mauupahan aalis din ako"

"Hindi ka makakaistorbo sa'kin Avery, kahit ilan araw kapa dito"

Napansin kung sinisilip nya ang leeg ko kaya mabilis kong tinago.

"Saan mo nakuha yan?"lalapit sana sya ng lumayo ako at hinaplos ko ang leeg ko.

"Nasagi lang"mabilis kong sagot.

Dali dali ko syang iniwan at pumasok ng kwarto, hinawi ko ang buhok ko at tiningnan sa salamin.

Namumula talaga ang marka sa leeg ko kahit matagal na.

Dahil wala naman akong magawa dito sa inuupahan ni Kaloy, naglinis na lang ako kahit malinis naman talaga.

Paglabas ko wala si Kaloy, hindi ko alam kung saan sya nagpunta, wala naman syang sinabi sa'kin.

"Mukhang hindi nya talaga ako hahanapin"bulong ko.

Ano paba ang aasahan ko kay Archer? Galit na sya sa'kin.

Maraming stock ng pagkain si Kaloy kaya naghanap ako ng maluluto, kahit ito lang ang ambag ko.

May trabaho pa sya bukas, maaga daw itong aalis.

Nang matapos akong magluto naghintay mo na ako sandali sa pagbalik ni Kaloy.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon