Kabanata 18

7.8K 182 32
                                    

Pinaglaruan ko ang alak sa kamay ko pagkatapos tinungga ko ito ng walang pag aalinlangan.

Magsasalin ulit ako ng may umagaw ng alak sa kamay ko, sinamaan ko sya ng tingin.

"Kapag naamoy ka ng asawa mo paghihinalaan ka nya talaga, alam mo naman ang pang amoy ng lalaking iyon"sabi ni Chloe.

Inirapan ko nalang sya at ininom ang natitirang alak sa baso ko. agad kong pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Wala akong Asawa Chloe"sagot ko.

Bumungtong hininga sya at hinarap ako.

"Meron Avery, kasal pa rin kayo sa papel"

"Wala nga sabi"hindi ko mapigilan sumigaw sa harap nya, sinubukan kong ikalma ang sarili ko pero tinamaan na yata ako ng alak.

Lumapit sya at hiplos ang pisngi ko para pakalmahin ako.

Agad akong umiwas ng tingin, ang sakit pa rin isipin ang nakaraan ko.

"Simula ng mawala ang anak ko...Para na rin akong napatay Chloe"

"Pero hind-'

"Kapatid nya ang may kasalanan sa pagkawala ng anak ko Chloe, pero ang sakit na naidulot sa'kin ni Archer hindi kailan mawawala sa utak at puso ko, kung paano nya ako pahirapan at ipamukha sa harap ko na wala akong kwentang babae"ginulo ko ang buhok ko, umupo ako sa sofa.

"Ipagpapatuloy mo pa rin ang pagpapanggap mong wala kang naaalala?"

Tiningala ko sya.

Hindi ako sumagot pero alam nya rin kung anong pinapahiwatig ko.

I want him to make suffer para iparamdam sa kanya kung anong nararanasan ko simula ng dumating sya sa buhay ko.

Umupo si Chloe sa tabi ko.

"Ayoko lang pagsisihan mo lahat ng ito sa bandang huli Avery"

I know! she's not agree sa gusto kong gawin, iniisip kong wala naman mali kong gumanti ako, lahat sila tinrato akong hayop.

Walang nakuhang sumbat sa'kin si Archer kahit ilan beses nya akong pinagsabihan malandi at palaging nagpapagalaw sa lalaki, pinagbintangan pa akong buntis sa ibang lalaki.

Nang dahil din sa kapatid nya muntik akong marape pero ang mas masakit nawalan ako ng anak pero ni isa wala akong narinig sa kanila, mas ginusto nilang ilayo si Mira para takasan ang kasalanan ginawa nya.

Nagmukha akong kawawa, kung may dapat maging masaya ako iyon at makakamit ko lang lahat ng iyon kapag napaniwala silang lahat sa'kin.

"Kahit anong mangyari Avery kakampi mo pa rin ako, you deserved to be happy"

Tumango ako, naligo ako sa kwarto ni Chloe para hindi maamoy ni Archer ang alak mula sa'kin.

Ang sarap lang tingnan na ngayon si Archer na mismo ang naghahabol para lang bumalik ako, ang daming taong nadamay sa plano ko pero mas madami akong naluko.

Unti unti kong ipaparamdam sa kanya kumg paano ako masaktan dati at ang kapatid nya subukan nya lang bumalik.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na rin ako at tinuyo ang buhok ko.

"Ang galing mong umarte Chloe"natatawang sabi ko.

"Mas magaling ka, pati pamilya mo napaniwala mong nawalan ka ng alaala"

Hindi ko rin alam, Si Jema mukhang sa kanya ako mahihirapan ang lakas ng pang amoy ng babaeng iyon kaya mag-iingat ako.

Sumakay ako ng kotse ni Chloe, ako ang nagmaneho nasa tabi ko rin si Chloe, ilan taon na rin akong hindi nakakapgdrive kaya mas mabuting katabi ko sya.

My Unwanted Wife(Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon