CHAPTER 15

1.4K 55 319
                                    

Selosan?




THIRD PERSON'S POV

Bumaba si Imelda sa kotse dala ang kanyang bag,may dala rin syang lunch box.

Tumingin muna sya sa malaking building na nasa harap nya.

EM Law Firm

Inayos nya muna ang Gucci na scarf nya at Armani sunglasses para pagtataguan sa kanyang mukha.


Papasok na sana sya ng hinarang sya ng guard.


Mahigpit ang guard sa building nila Ferdinand dahil Law Firm ito at hindi basta-basta na lang may makakapasok lalo na ng noon ay may nakapasok at muntik ng pagtangkaan ang buhay ni Ferdinand.

Hindi nya na tinext si Ferdinand na pupunta sya.

Tinignan sya ng guard,iniisip ng gwardiya na baka na ang babae ay masamang balak dahil tinatakpan ang mukha.


"Excuse me maam pero ano at sino po sadya nyo dito?" tanong ng guard.


"Uhh...gusto ko lang makausap si Mr.Ferdinand Marcos,sige ha pasok nako---" sagot ni Imelda at papasok na sana pero hinarang sya ulit ng gwardiya.


"Kailangan po may appointment Maam,tawagan ko lang secretary ni Mr.Marcos." sabi ng guard at kinuha ang cellphone nya upang tawagan yon.

Napabuntong hininga na lang si Imelda.

Ulol boyfriend ko yan kaya di na kailangan tss. sabi nya sa kanyang isipan at umirap.


"May gusto dawng kumausap kay Mr.Marcos...opo...naka sunglasses,may takip sa mukha...matangkad,hindi naman mukhang tulisan pero mahirap na." pabulong sa sabi ng guwardiya sa katawag na sekretarya ni Ferdinand pero narinig pa rin yon ni Imelda dahilan para mapatingin sya sa guard.

Luh kung maka describe naman tong si mamang guard,tulisan...gusto ko lang naman ng lambing at halik ng boss mo.

"Ano daw po pangalan nyo miss?"


Nag iisip si Imelda,hindi nya dapat sabihin totoo nyang pangalan. Nag aalinlangan syang sagutin nya ba ito or hindi.


"Uhh...ano...Ime---...B-bunny,bunny pangalan ko." sagot nya sa guard.


Nag aaling langan nang tumingin ang gwardya sa kanya,iniisip nitong nagbibiro dahil sino ba naman ang nag ngangalan na bunny,ngayon pa lang sya makarinig ng ganoong pangalan.



"Bunny daw po Sir." sabi ng guard sa kabilang linya habang naghihintay si Imelda na makapasok.



Nanlaki ang mata ng guard at napakurap na napatingin kay Imelda habang nakinig sa kabilang linya.


"Y-yes Sir!" sabi ng guard at ibinaba na ang tawag.



"You can now go in Ms...Bunny? Mr.Marcos is waiting for you in his office." pag-iiba ng tono ng guard.



Nagtataka si Imelda na pumasok,dahil sa isip nya kung kanina para syang sinuspetsahan ng guard,ngayon ginagalang sya nito.



Agad syang sumakay ng elevator at nagtungo papunta sa opisina ni Ferdinand.



Ng makarating na sya ay agad syang kumatok sa pinto ng office nito,hindi na nya pinuntahan pa ang skeretarya nito dahil baka ma kwestyon na naman sya katulad ng guard.

My DestinyWhere stories live. Discover now