CHAPTER 21

1.2K 48 102
                                    

N/A: First of all Happy Birthday to PFEM! 105th na ata sya kung buhay pa sya ngayon? ily papa macs hahahahaha papa macs,close kayo ante? hahahahaha

So guys, baka kung magtaka kayo, point of view ni Imelda tong unang part noong nakidnap siya (may inadd ako dito na part) para naman maintindihan nyo talaga nangyari dahil mismong ako na Author naguguluhan at hindi na rin alam takbo ng story na sinulat ko hahahahahaha bobo yarn, basta ewan basahin nyo na lang o wag na lang hahahahaha hindi ko naman kayo pinilit hahahaha

pero sa true lang ha nakakatamad na magsulat, tinatamad at wala na sa tamang pag iisip ang inyong author, siguro titigil nako soon haha sige bye T-T hahahahahaha


*Imelda's POV* *flashback*

Napaatras ako ng dahan-dahang bumukas ang pinto dahil sa takot at sa pag aakalang yung kidnapper ay lalapit ulit sa akin.

Pero imbes na kidnapper, its a boy. My mouth form a circle ng maalalang ito yung boy na nakabangga ko sa amusement park!

Dahan dahan syang pumasok at isinara ang pinto na para bang takot na may maka rinig sa amin.

He's wearing a black hoodie and shorts, may suot rin syang black cap, at may dalang backpack.

"P-princess, right? so ikaw yung kinidnap nila?" pabulong na tanong nya.

Hindi pa ako naka sagot sa tanong nya, nanlaki ang mata naming dalawa ng marinig naming may foot steps na papalapit.

"You need to hide! Tumago ka sa box, dali!" sabi ko sa boy.

Pumasok sya sa may box bago paman bumukas ang pinto, nagkukunwari akong tulog at pinipigilan na manginig.

"Tulog na tulog oh, hindi yan makakatakas pare, matulog muna tayo pare lasing na lasing na tayo. Hindi yan makakatakas." sabi ng isang man, amoy alak at halatang lasing na.

"Tama nga naman, tara na nga."

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na sila at isinara ang pinto, agad akong pilit bumangon at tinawag ang boy na nakatago sa malaking box.

"Psst hoy wala na."

Lumabas sya sa box at kinuha ang mga lubid na nakatali sa kamay at paa ko.

I cried...hindi ko maiwasan maiyak ng dahil may pag asang makakalabas ako sa scary place na ito.

"They kidnapped me, theyre monsters, help me please..." pagmamakaawa ko sa boy. Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makita si Mommy at Daddy.

When he successfully untied the rope, hinaplos nya ang wrist ko na namumula.

"Dont worry, tutulungan kitang makatakas dito. Im here...princess." sabi nya at pinunasan ang aking luha sa pisngi.

Inalalayan nya akong tumayo, pinagpagan nya rin ang dress ko.

"Princess, pakinggan mo ako ng mabuti okay? E tatakas kita dito, basta sundin mo lang mga sasabihin ko. Okay?" sabi nya sa akin kaya tumango ako.

"We will get out of here...babalik ka sa pamilya mo, trust me okay?"

"P-pero what about the monsters out there, baka mahuli tayo, baka saktan nila tayo...im scared..." natatakot na sabi ko, they might hurt us, they might kill us.

Napatingin ako sa kanya, hinawakan nya ang kamay ko.

"Wag kang matakot, nandito lang ako, di ko hahayaan mangyari iyon. Just hold my hand so tight, wag kang bibitaw unless sinasabi ko. Okay?" sabi nya.

My DestinyWhere stories live. Discover now