CHAPTER 30

718 52 139
                                    

IMELDA

Pumasok ako sa conference room kung saan kami mag me-meeting. Official na talaga na ako ang ceo ng kompanya kaya nagtrabaho agad ako.

Konti pa ang nandito, masyado kasi akong napaaga ngayon dahil ayoko ang ma-late, it's just that when it comes to work para sa akin kailangan nang maging professional at ang isa sa pinaka-ayaw ko ay ang ma-late.

Nagtungo ako sa dulo ng parte ng long table at umupo sa may swivel chair roon.

May mga investor at board of directors naman na nag uusap-usap, pero kaonti pa kami kaya medyo tahimik.

I scoffed sarcastically ng makita sya. Kaming dalawa lang ang walang kausap, nasa tabi ko naman ang secretary ko.

Nakaupo naman sya sa may gitnang parte ng long table habang may binabasang mga papeles.

At bakit naman doon sya umupo? may maraming upuan pa o space oh. Bakit? may nakakahawang virus ba ako para didistansya sya sa akin ha!

At oo nga pala, hindi ko makalimutan ang nangyari sa mga nakaraang araw. Diba hinatid nya ang kapitbahay ko sa condo ng lasing, at... hinatid nya rin ako noong lasing ako na hindi ko maalala?

Mas tumaas ang dugo ko. Ano sya? tiga hatid ng mga lasing na mga babae sa mga bahay nito? Hindi ko alam na pangalawang trabaho nya iyon! part time job nya ba iyon ha! Nakakainis!

Padabog kong inilagay ang cellphone ko sa table kaya lahat sila ay napatingin sa akin except sa kanya na nakatingin lang sa mga papeles na hawak nya at nasa mesa.

Gosh! Bwiset! Bakit ba ako naiinis! Dahil siguro sa presensya nya.

Bakit ba kasi sya ang company lawyer! makakasama ko tuloy sya sa lahat ng negosasyon at  bawat transaksyon ng kompanya!

Nawala ang inis ko ng pumasok si Rainier. Agad naman syang malanding napangiti ng makita ako.

"Hi Imelda sweetie." pagbati nya sa akin at nagbeso kami.

Napangiti ako, Rainier Lazaro isa sya sa maging nakaibigan ko sa business world. Nasa Spain pa lang ako ay isa sya sa malaking na invest sa company namin roon kaya naging magka close friends kami. At ngayon isa sya sa board of directors ng kompanya na ito.

Babaero sya at hilig mamflirt, na pati ako na kaibigan nya ay flinirt nya palagi gamit ang matatamis nyang mga salita, e wala naman iyon sa akin at nasanay na ako, ang flirty nya lang talaga at alam kong inaasar nya lang ako, hindi naman umepekto.

Oo babaero sya at flirty pero di ko ma-deny na gwapo sya, pero kahit anong panglalandi nya sa akin, kaibigan lang ang turi ko sa kanya at alam ko na kaibigan lang din ang turi nya sa akin. Ang landi nya lang talaga kung magsalita, lahat ata ng babaeng makasama at makita nito ay nilalandi.

"You look so gorgeous today, sweetheart." malanding ngiti nya at umupo sa tabi ko.

Tumingin pa ang malandi kong kaibigan sa secretary ko at kinindatan ito. Hindi ko na talaga makayanan ang pagkamalandi ng Rainier na ito.

"Alam mo nandito ka lang ba para manlandi sa lahat na babaeng employee ko." sabi ko sa kanya at umirap, rinig ko ang pagtawa nya ng mahina in a malandi way.

"Of course not sweetie, nandito ako para landiin ang ceo nila." nakangiting pang-aasar na sabi nya habang hinaplos ang pisngi ko.

Nakita kong napalingon si Ferdinand sa amin pero agad rin umiwas ng tingin, kita ko rin ang pag galaw ng panga nya habang binabasa ulit ang mga papeles sa mesa.

My DestinyWhere stories live. Discover now