Prologue: Part 2

33 17 0
                                    

Ikalawang bahagi ng SIMULA

Pak* pak* pak*

Palo 'yan ng tita ko na nagpagising sa'kin.

"gumising kayo! alas sais na ng umaga pero nakahilata pa rin kayo! Anong akala niyo? Habang buhay kayong pagsisilbihan? Mangarap kayo pero hindi mangyayari 'yon, kaya bumangon na kayo! Naku, naku kayong magkapatid. Ang sarap niyong itapon sa sapa." panenermon nito.

"edi itapon mo, problema ba 'yon?" narinig kong pamimilospa ng kapatid ko kaya agad akong napabangon at hinila palapit sa'kin ang kapatid ko.

"anong sabi mo?!" nagagalaiti sa galit na sambit nito at akmang lalapit sa kapatid ko kaya binakuran ko ang kaaptid ko.

"huwag po, ako nalang po ang manenermon sa kapatid ko tita. Wag niyo lang po siyang saktan." sambit ko kay tita.

"argh!!! Bumaba na kayo pagkatapos niyong ayusin ang higaan niyo!" sigaw nito at padabog na lumabas sa aming silid.

It's been 5 years since n'ong namatay sina mama't papa at limang taon narin kaming naninirahan dito sa bahay ni tita't tito since 'yon ang napag-usapan ng mga relatives sa father side namin. Isang taon narin ang nakalipas simula noong ganito na kami kung itrato ni tita't tito. Sa loob kasi ng natirang apat na taon ay mabuti pa ang pakikitungo nila sa'min, gaya nalang nung birthday namin ng kapatid ko at lalo na kapag may kailangan o nais kami ng kapatid ko ay agad nila itong ibibigay. Pero last year lang ay naging mahina ang takbo ng kumpanya nila na isinisi nila sa'min, kesyo daw hingi kami ng hingi. Kaya naging ganito na ang trato nila sa'min.

"ate, kailan ba tayo aalis dito?" hedy suddenly asked, "di ko pa alam hedy ih, bata parin kasi ako. Subukan ko nalang maghanap ng trabaho sa palengke para maka-ipon ako." sambit ko sa kapatid ko.

"hindi ko na kasi kaya ang ginagawa ng bruhang tita natin ate e" ani nito at ngumuso, "bakit kasi dito sa side na'to pa tayo inilagay? Mas gusto ko pa ang mga ugali sa side ni mama kaysa kay papa ih. Ang bubruha ng mga ugali" dagdag na ani nito kaya napatawa ako. Totoo naman kasi, kahit ako ay mas pipiliin ang side ni mama kaysa kay papa. Mababait kasi sila.

"hayaan mo nalang, magtiis nalang muna tayo hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho." sambit ko sa kanya, "e ate, eleven kapa diba? Hindi kapa makakapagwork niyan" sambit ng kapatid ko, "susubukan ko nga hedy. Baka malay mo makahanap ako ng maliit na trabaho sa palengke kahit maliit lang ang sahod, okay lang." ani ko.

"sabi mo ate ah! Tutulungan kita ate pag big na ako" sambit nito na nagpatawa ulit sa'kin. "huwag na, ayokong idamay sa kahirapan ko ang hedy ko" pangangatwiran ko sa kanya, "ate naman. Tayong dalawa nalang nga ang natitira ayaw mo pa akong tulungan ka" sambit nito.

"oo na, oo na, papayag na ako. Halika na linisin na natin ang pinaghigaan natin para makasaing narin ako." sambit ko at tumayo na sa pagkaka-upo. Agad namang sumunod sa'kin ang kapatid ko at sabay naming nilinis ang binagyong higaan namin. Which is foam lang. Pero okay lang naman sa'kin.

Pagkatapos naming maglinis sa kwarto ay nilinis naman namin ang mga sarili namin at sabay na kaming bumaba pagkatapos.

"luto naba ang kanin?" tanong ni tita pagkapasok sa loob ng kusina, "iyong ulam? Siguraduhin niyong masarap ang pagkatempla ng ulam ha!" banas ni tito na nakasunod pala sa kanya.

"opo" sagot ng kapatid ko na halatang may bahid na pamimilisopa ang boses.

"ihain niyo na sa hapag ang makaka-in! Bilisan niyo ang kilos niyo! Para kayong mga pagong kung kumilos!" sigaw ni tito sa'min kaya kaagad naman akong kumuha ng platito para roon ilagay ang ulam.

"ate, paki-abot po 'yong basahan" sambit ng kapatid ko. Inabot ko naman sa kanya ang basahan. Gagamitin niya siguro yun sa pagdala ng kanin.

Pagkatapos kong kumuha ng ulam ay agad akong bumaba sa kinatatayuan ko at inilagay sa hapag ang ulam. Bumaba rin si hedy sa kinatayuan niya habang dala-dala ang kaldero ng kanin.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now