Chapter 2

27 17 0
                                    

Kabanata 2: Chrislyn Vey Santiago

“oh? Ang aga mong nakabalik ah?” bungad na tanong ni manong guard na ngayon ay presentableng naka-upo sa upuan niya.

“hindi po kasi kami nagpabusog ng todo dahil bibisita po dito ang isa naming kaibigan na nag-aaral sa manila” nakangiting sagot ko kay manong.

“ahh ganoon ba? Oh siya sige pumasok kana” sambit nito na kaagad ko namang sinunod.

“salamat po manong! Sa susunod ulit” pahabol na sigaw ko, “walang anuman ash!” sigaw nito pabalik.

Roar.. roar.. roar...

Calling...

Anayah hedy..

I immediately answer the call when I saw hedy's name on it.

“hmm? May kailangan ka hedy?” malumanay na tanong ko.

“nothing, I just miss to have chitchat with my elder sister. In short, I miss you ate” malambing na ani niya sa kabilang linya.

“nagiging bihasa kana sa ingles, hedy ha. Talagang may improvement ka riyan” natatawang ani ko.

“kahit naman may improvement ako dito gusto ko parin mag-aral riyan sa pinag-aralan mo ate. Nasaan ang I miss you too ko?”

Napatawa ako dahil sa boses ng kapatid ko, nagpapalambing ang baby ko.

“I miss you too, hedy. Magkikita pa naman tayo bukas e baka nakalimutan mo na uuwi ako riyan bukas?” tanong ko sa kanya.

“yiee.. ang sweet ng ate ko sa'kin. Ayy oo nga ano? Bonding tayo bukas ate ah?” sambit nito sa kabilang linya.

“opo, ano namang klaseng bonding ang gagawin natin ha?” nagtatakang tanong ko.

“ano.. uhmm.. wala pa akong ma-isip. Magl-list muna ako ate hehehe”

Natawa ako dahil sa pagkagaga ng kapatid ko, saan kaya 'to nagmana?

“gagi ka hedy, sige pag-usapan nalang natin bukas pagkarating ko riyan ah?” natatawang ani ko

“ana! Halika na, malapit na ang class hour!” sigaw ng kung sino sa kabilang linya.

“oo ate, dito nalang tayo mag-usap. Ate alis na ako! Tinatawag narin kasi ako ng kaklase ko baka mag-umpisa na kase ang klase.” aligagang ani ng kapatid ko.

“sige, sige. Ako na ang mago-off nito, i love you!” paalam ko.

“Babye ate! I love you too!” paalam rin nito.

Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglakad.

“ash sorry sa nangyari kanina, masakit ba?” sulpot ni robert sa gilid ko.

Bakit ba nanggugulat ang isang 'to? Buti nalang hindi ako napatalon dahil paniguradong nakakahiya 'yon.

Ibinaling ko ang tingin sa kanya, “okay lang, huwag niyo nalang ulit gagawin 'yon” nakangiting ani ko.

Dapat ko lang naman patawarin 'yong tao dahil medyo nakonsensya rin naman ako sa nangyari kanina kaya quits na kami.

“salamat lize, hindi ko na ulit gagawin 'yong ginawa ko sa'yo kanina.” nakangiting ani rin nito, “walang anuman, bert” ani ko at naglakad na ulit.

Naramdaman ko naman ulit ang presensya ni robert sa kilid ko, “sasabay lang sana” biglang sambit nito kaya tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Nang makarating na ako sa classroom ko ay hinarap ko ang lalakeng nas gilid ko, “papasok na ako, ikaw rin sana pumunta kana sa silid mo. Salamat” sambit ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok na lamang sa loob.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now