Chapter 1

31 18 2
                                    

Kabanata 1: Kenneth Velasco

Ring* ring* ring*

Kinapa ko ang cellphone ko habang nakabaon parin ang ulo sa unan.

I answer the phone without looking who's calling.

“hello?” tanong ko habang nakapikit parin ang mga mata.

Tumagilid ako para maka-usap ng maayos ang nasa kabilang linya.

“ate, bibisita kaba dito kina lola bukas?” tanong ng nasa kabilang linya. Si Hedy pala.

“oo, sabi ko naman sa'yo 'di ba na uuwi ako riyan sa bahay nina lola kung sabado't linggo? Hindi ba't sinabi ko 'yon?” sambit ko dito gamit ang inaantok kong boses.

“sabi ko nga. Ay siya nga pala ate, kumain kana? Nasa paaralan kana ba?” she uttered from the other line.

“h-ha? Anong oras naba?” nagtatakang tanong ko habang nakapikit pa rin pero ngayon ay nakaharap na ako habang nakahiga pa rin.

“alas sais pa naman ng umaga ate” kampanteng sagot nito pero aaminin ko kinabahan ako n'on dahil baka late na'ko.

“ahhh, sige paalam muna hedy. I'll fix my self na para maka-pasok na ako, ikaw rin” sambit ko habang kinukusot kusot na ang aking mga mata.

“sige ate, paalam po. I love you! Muah!” sambit nito at pinatunog pa talaga ang labi niya ipinapahiwatig na hinalikan niya talaga ako. Ang sweet niya talaga pero kabaliktaran 'yon sa trato niya sa iba.

“sige, sige, I love you too” pinatunog ko rin ang labi ko para mukhang hinalikan ko rin siya.

Ako na ang nagpatay sa tawag nahiya naman ako sa kapatid ko.

Tumayo na'ko at inayos ang sarili bago lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng sunny side up na itlog na pinarisan ko ng bacon at kaunting kanin dahil hindi ko naman ugali ang magkanin sa umaga.

Pagkatapos kung kumain ay bumalik na ako sa kwarto para linisin ang kalat ko at para narin maligo, pagkatapos.

Kailan ko ba talagang sabihin ang gagawin ko? Ang hirap nito. Huwag na nga lang.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Yung salamin na kita buong katawan mo ba.

Plain lang ang katawan ko na may maliit na kurba hindi katulad ng mga kaklase ko na kahit natatabunan ng kanilang suot na mga uniporme ang katawan nila ay mapapansin mo rin talaga na may kurba ito pero hindi naman 'yon hadlang para ma-insecur ako. Iyong mukha ko naman ay nasa saktong guhit lang na bumagay naman sa hugis ng katawan ko, 'yong kilay ko ay hindi masyadong manipis at hindi rin makapal kumbaga sakto lang, 'yong mga mata ko ay singkit na namana ko sa mata ni lolo na isang hapon, 'yong labi ko ay mapula kahit wala akong ginagamit. Naalala ko n'on tinanong ko si mama kung bakit ganito ang labi ko tapos ang sagot niya lamang ay normal lang daw kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. At ang ilong ko naman ay hindi masyadong matangos pero bumagay naman ito sa buong mukha ko, ang kulay naman ng balat ko ay hindi kayumanggi pero hindi rin lubusang maputi, kumbaga sakto lang rin at pantay.

Kinuha ko na ang aking bag at isinukbit ito sa'king balikat bago muling sinulyapan ang sarili sa salamin. Napangiti ako nang makitang nasa ayos na ako.

Napatingin ako sa relong suot ng kanang pulso-pulsohan ko at napagtanto ko na ang bilis pala ng mga kilos ko dahil kaka-alas syete lang pala.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now