Chapter 7

22 11 0
                                    

Kabanata 7: Girls Talk

Before I could fully leave the dining area, I heard her grown in frustration.

I just laughed lowly before finally leaving the dining.

Nang makarating sa sala ay nagtatawanan na sila.

I sat beside Ken since siya lang naman iyong kaclose ko doon.

"Where's Vey?" he asked

"Nasa kusina, lalabas rin iyon" ani ko at sumali na sa kanilang pinagtatawanan.

Maya-maya pa ay dumating narin si vey at ang gaga ay di tumabi sa amin dahil doon siya tumabi kay kuya Kev.

"Ayy ganon? Pag majowa na si kuya kakalimutan nalang kami?" paawa effect ni Ken sa gilid ko dahilan para mahina akong matawa.

"Love, sa kanila muna ako ah?" rinig naming paalam ni vey kay kuya Kev dahilan para magtinginan kami ni Ken.

Ganon?

"Grabe na talaga ang mundo nandito lang naman kami e magpapaalam pa talaga" pagpaparinig ni Ken dahilan para matawa na rin ang iba.

"Sorry na kenny, wag kana galit" pang-aasar pa ni vey dahilan para samaan siya ng tingin ng lalake.

"Kenny?" Ken asked while his brow are raised. "That's your nickname made by me" proud na sabi pa ng isa. "ano? It sounds like a fucking nickname of a gay Chrislyn" reklamo ni Ken.

Nagkatinginan kami ni vey at sabay na tumawa.

"Ahh ganon?" ani nito habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni vey.

Tawa pa rin kami ng tawa at nung nakabawi na ay sabay naming tinawag si ken ngunit hindi man lang kami pinansin ng huli.

Kahit kailan talaga ay ang bilis magtampo ng lalakeng 'to lalong lalo na si vey, pag 'yan magtampo ay kay tagal suyuin.

Ewan ko nalang kung makakaya ng maging girlfriend or boyfriend nila ang ugali nilang ganyan dahil kapag ako kasi ay siguro'y hihiwalayan ko ng diretso dahil mahina ako pagdating sa suyo ih.

Hindi ko nga alam kung paano ko natiis ang dalawang kaibigan kong 'to.

Natapos ang pag-uusap na hindi kami pinansin ni Kenneth kaya kanina pa rin nagpipigil si vey sa tawa niya.

Ang gaga talaga!

"Malapit nang mag-alas dose pre, uuwi na kami" ani ni jayden dahilan para sabay-sabay kaming tumingin sa wall clock nila.

"Ano?? Uuwi na rin ako Ken, may pasok pa bukas" aligagang ani ko at doon na niya ako hinarap.

"Sige, hatid na kita. Si kuya nalang ang maghahatid kay vey" ani nito at tatayo na sana kaya dali-dali ko siyang pinigilan.

"Huwag ka nang mag-abala Ken, si vey ang maghahatid sa akin kaya huwag kang mabahala" nakangising ani ko, "tsaka napag-usapan nanaman namin 'yon kanina since dala niya naman ang sasakyan niya" dagdag ko pa habang binigyan ng malokong ngiti at tingin si vey na ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

Tumayo na ako dahilan para dumapo sa akin ang tingin nila.

"Aalis ka na... Ano ngang pangalan mo?" tanong ni Gio dahilan para mahina akong natawa. Kahit naman kasi kanina pa nakapalibot dito ay kahit isang beses ay hindi ako sumali sa tawanan at pinag-uusapan nila.

"Ashley" banggit ko sa pangalan ko, "That's my name" nakangiting ani ko.

"So aalis kana?" tanong ulit nito at tumango lamang ako.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now