Chapter 3

28 14 0
                                    

Kabanata 3: Quality Time

“you two enjoy it?” tanong ni vey na ngayon ay nakadungaw ang ulo sa bintana ng sasakyan nila.

“syempre!” si ken.

“sobra!” ako.

“mabuti naman, pasyal naman tayo ulit ah?” buong galak na ani ni vey at itinataas baba pa ang kanyang mga kilay.

“saan naman?” ani ko.

“uhmm” she look up, “sa mga mall siguro” nakangiting sambit nito.

“so marami tayong mall na pupuntahan niyan dahil ginamit mo 'yong salitang mga” sambit ni  ken.

“uh-ha, parang ganoon na nga and it's my treat!” may malawak na ngiting nakalagay sa labi niya. “ano? Payag kayo? Hindi na kayo lugi non” pangungumbinsi niya pa sa'kin.

Pero totoo namang hindi kami lugi.

Nagkatinginan kami ni ken na para bang nagkaroon kami ng lihim na komunikasyon gamit ang mga mata namin.

Bumaling kami kay vey ng matapos na kami sa pagtitig sa isa't isa.

“hmm, guys, ano na?” si vey.

“sige ba! Basta ikaw manglilibre ha?” ani ko, “oo nga,” pagmamayabang ani nito.

“ihanda mo nalang kamo 'yang pera mo.” ken whispered pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

“may sinasabi ka kenneth?” pagtataray ni vey kay ken, I chuckled secretly.

Magbabayangan na naman 'tong mga 'to.

“ahhh wala, ingat ka!” sambit ni ken, “talaga lang ha” she sarcastically said.

Bumaling sa'kin si vey kaya ginawaran ko siya ng matamis na ngiti.

“una na'ko, ash, babye!” nakangiting paalam nito and even sent me a flying kiss.

I smiled and wave my hand in the air, bidding my goodbye.

“ingat, vey!” pahabol na ani ko.

Nang hindi ko na tanaw ang sasakyan ay sa katabing lalake ko naman ibinaling ang atensiyon ko.

“ikaw? Hindi kapa uuwi?” Nag-alalang tanong ko habang nakahawak sa strap ng bag ko.

Malalim narin kasi ang gabi kaya kailangan na niyang umuwi sa kanila baka kasi nag-alala na si tita.

“pasok ka muna, uuwi ako kapag nakapasok kana” nakangiting sambit nito, “sige ah, pasok na ako sa loob tapos dapat ay umuwi kana pagkapasok ko” sambit ko at nakangiti naman siyang tumango.

Umikot na ako para makapasok na sabay nang may maalala na lang ako bigla dahilan para harapin ko siya ulit.

“Ayy oo nga pala, ken” kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, “hmm?” he tilted his head to the left side.

“wala ako dito bukas at sa makalawa dahil uuwi ako sa kina lola” nakangiting ani ko.

“sige, ingat ka nalang sa biyahe mo bukas.” nakangiting ani nito, I nodded at tumalikod na ulit sa kanya para makapasok na ako sa bahay ko.

Noong naisarado ko na ang pintuan ay kaagad kong tinungo ang bintanang nasa gilid nito para tignan kung umalis naba siya.

Pagsilip ko sa kaunting siwang ng bintana ay nakita kong unti-unti na siyang naglakad papunta sa gate at siya narin ang nagsara doon pagkalabas niya.

Hindi pa ako umalis doon sa bintana hanggang nakasakay na siya sa isang tricycle.

Humugot ako ng hininga bago tumayo at nagpunta sa kusina para uminom ng isang basong tubig.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now