Chapter 6

23 11 0
                                    

Kabanata 6: Celebration

"I'm home" nakangiting ani ko sa sarili habang nakatingin sa tahimik kong bahay.

Kaagad akong pumasok sa loob para maligo na at ihanda ang sarili para sa pagpasok sa paaralan for my afternoon class.

Nang matapos ako ay tumuloy na ako papuntang paaralan.

My afternoon class went smoothly maliban nalang sa nangyari kanina e paano ba kasi nung pag-apak na pag-apak ko sa classroom namin ay natigilan silang lahat at nanlaki ang mga mata at may iba pang tumili. Mukha silang nakakita ng multo habang nakatingin sa'kin.

Mapanakit na mga nilalang!

At ngayon ay plano kong puntahan si ken sa paaralan nila at dahil mas maaga pa ang uwi-an namin kaysa sa kanila ay paniguradong mag-aantay pa siguro ako ng ilang minuto.

Nang makarating sa paaralan nila ay nag-antay lang ako doon sa waiting shed sa gilid dahil ka-unting minuto nalang rin naman ang hihintayin ko.

Nang binuksan na ang malaki gate ay alam kong labasan na nila dahil ganoon palagi ang nangyayari sa tuwing uwian na ng mga estudyante.

I stood up from my seat and look around to find Ken and there, I saw him with his usual earphones while his full attention is on his phone. May ibang mga babae pang naka-aligid sa kanya at pilit na kausapin siya ngunit dedma lang ang unggoy.

Hindi naman siya lumilinga e kaya napag-isipan kong ako na lamang ang lumapit.

Nang tuluyang makalapit ay hindi niya parin ako pinapansin kaya kaagad akong tumalon sa likod niya para pumasan sa kanya dahilan para mapasigaw siya sa inis. Yes, mission success.

"Hey, chill" ani ko sa kanya dahil galaw siya ng galaw para mahulog lang ako, "Ash? Is that you" tanong nito kaya bumaba ako bago pumunta sa harapan niya and I slowly nodded, "hmhm, ako nga" nakangiting sagot ko na kaagad na nagdala ng maliit na ngiti sa labi niya.

"Why did you do that? You scared me" ani pa nito na para bang sinisisi pa ako e siya nga itong tutok na tutok sa cellphone niya, "Hoy manong, ikaw nga 'tong d nanamansin tapos tatanong-tanong ka kung bakit ko ginawa 'yon" pagtataray ko sa kanya dahilan para kurutin niya ang pisnge ko. Aray ha.

"Huwag mo ngang kurotin 'tong pisnge ko" ani ko at tinignan siya ng masama habang nakahawak sa pisnge ko at ang unggoy ay tumawa lang kaya iniwan ko siya roon at naunang maglakad.

"Hey, I am sorry. Wait for me ash" tawag nito na halatang natatawa pa rin kaya hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad.

"Sorry na, bili tayong fishball? My treat" nakangising ani nito dahilan para ngumuso ako.

He really know the things and food I like and that's the reason why I'm falling for him more even deeper.

"Sige ba! Basta libre mo ah?" ani ko, totally giving up. "As what I 've said, my treat" nakangiting ani nito at nag-umpisa na kaming maglakad.

"Wait" biglang ani nito habang ang atensiyon ko ay nakatuon sa mga sasakyan na dumadaan since nasa gilid ng kalsada lang naman kami.

"Hmm?" I just hummed as a respond. "Diba sabi mo bukas kapa uuwi?" ani nito dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Nag-iba ang isip at plano ko kaya ngayon nalang ako umuwi" sagot ko at umiwas ng tingin.

"Sana sinabi mo para nasundo kita sa terminal kanina" ani nito, "May klase pa kayo n'ong umuwi ako dito. Ayaw kong gambalain ka" pagsasabi ko ng totoo.

"Well, I can always make time for you ash" ani nito na nagpapula sa aking mga pisnge.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now