Chapter 12

17 7 0
                                    

Kabanata 12: Confused

“Hoy, gumising kana. Aalis na tayo” paggising ko kay Vey na sobrang himbing ng tulog at kahit tumunog na ang alarm niya ay hindi pa rin nagigising.

Anong silbi at nag-alarm pa siya.

Tapos na ko't lahat-lahat ay natutulog pa rin siya.

“Five more minutes” ani niya at nagtalukbong ng unan sa mukha niya.

“Oh sige, iiwan nalang kita dito. Alagaan mo ang bahay ko ha” ani ko at inayos ang mga gamit namin.

Kaagad naman siyang napabangon dahil doon at gulat niya akong tinignan, “You're done?” ani niya at tumitig sa akin, “Oo, ikaw nalang ang hinihintay ko” ani ko sa kanya at umupo sa dulo ng kama.

She immediately went out from the bed and glared at me.

“Ano?” ani ko sa kanya and she stamped her feet before getting the towel and her dress.

“You didn't wake me up!” pagmamaktol niya sa akin dahilan para mapangiwi ako, “Excuse me?! I did wake you up. Sadyang tulog mantika ka lang talaga” ani ko and she stamped her feet before going inside the bathroom.

Hindi naman ako naghintay pa ng matagal dahil lumabas na rin siya at nakabihis na rin kaya tumayo na ako at nagbabalak na sanang lumabas ng pinigilan niya ako.

“Oh bakit?” I asked her, “Where are you going?” tanong niya sa akin, “Aalis na tayo, bakit?” sagot ko, “I'm not done yet” ani niya naman dahilan para mapangiwi ako.

Ano pa bang gagawin niya? Ewan ko nalang talaga kung makaabot pa kami sa terminal ng bus na sasakyan namin dahil ang bagal niya.

She sit in front of my mirror and get her make up kit before applying it to herself.

I am just patiently waiting in the door until she's done.

Nakangiti siyang lumapit sa akin bago kami sabay na lumabas doon at syempre sinigurado ko munang sirado ang lahat na dapat isarado sa bahay bago kami tuluyang umalis.

Vey even offered that we should use her car instead dahil nabanggit ko sa kanya na there's a possibility na hindi namin maabutan ang bus papunta sa amin kaya napasyahan niya yun but I didn't agree dahil ayaw kong maghintay ang kapatid ko sa wala.

I know she's already in the terminal waiting for me dahil ganoon naman palagi.

Nang tumigil ang tricycle na sinasakyan namin ay laking pasalamat ko nang nandoon pa ang bus na papunta sa amin kaya kaagad na kaming sumakay.

I don't know if Vey is used to this kind of transportation dahil may sasakyan siya kaya paniguradong iyon ang palagi niyang ginagamit para makapunta sa mga pupuntahan niya.

Pero binura ko na lamang iyon sa isip ko dahil she looks like she's not bothered anyway at nakatulog pa nga ulit so I just shrugged my thoughts away.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay ginising ko na siya para makababana kami.

“We have arrived already?” she asked and yawn. “Oo kaya hali kana at bumaba na tayo” ani ko bago tumayo at kinuha ang mga damit namin bago tuluyang bumaba.

When we finally got out from the bus, I roamed my eyes around to find my sister but instead of seeing her ay si lola ang nakita ko.

Bakit si lola ang nandito?

Kaagad kong hinigit si Vey na parang finifeel pa ang hangin sa probinsya.

“Ano ba Ashley! Nagmomoment pa ako e” reklamo niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghagit sa kanya papunta kay lola.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now