chapter 6

13 4 0
                                    

Hindi na ako nakapag-react dahil umalis na rin siya dala-dala ang mga plato niya pagkatapos no'n.

Ipagluluto niya 'ko? Mukhang gentleman nga talaga siya.

Naligo na ako at nag-ayos pagkatapos kong maghugas ng plato. Nag-suot ako ng white dress na may sunflowers na design.

"Should I put make-up on?" tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Nagkibit-balikat nalang ako at naglagay ng kaunting lipstick sa labi ko.

Inintay ko lang ang tanghali tsaka lumabas na ng bahay at kumatok sa bahay ni Kazimier. Nasa harapan lang naman ng bahay ko ang bahay niya kaya kaunting lakad lang.

"Hala, hindi ko na namalayan ang oras. Hindi pa ako tapos magluto pero tara na," ginayak niya ako papasok kaya pumasok din ako. "Naglinis pa kasi ako kaya hindi pa ako tapos magluto, pasensya na." mukhang nahihiya siya.

"No need to say sorry, maaga pa rin naman." sabi ko naman at mahinang natawa.

"Anong gusto mo? Juice? Water? Coffee? Ano? Sabihin mo lang."

Na-amaze ako sa linis ng bahay niya. Parang bahay ko lang din pero mas marami ang gamit niya dahil may mga tulugan at ibang gamit ng mga pet niya.

"Water will do." sagot ko kaya tumango siya at inaya akong umupo sa sala.

Maganda rin ang sala niya, dalawa ang couch at may malaking TV. Ang bahay ko naman ay isang couch lang pero mahaba.

"Thank you," sabi ko at ngumiti sa kanya nang ilapag niya sa harapan ko ang isang basong tubig.

"Wait lang, ha? Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko, mabilis lang 'to! Promise!" natawa ako nang mabilis siyang tumakbo papunta sa kusina. Bumalik pa siya para buksan ang TV kaya mas lalo lang akong natawa. Mukha kasi siyang natataranta.

"Purple!" masayang sabi ko nang biglang lumapit sa akin ang kuting ni Kazimier. Binuhat ko siya at nilagay sa lap ko. "Ang cute cute mo naman..." sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya.

Natawa ako nang biglang lumapit naman sa akin si Bonita, gusto ring magpabuhat. Nilagay ko siya sa gilid ko at niyakap.

"Aww, ang cute naman ng mga bebe." sabi ko at isa-isa silang hinalikan sa ulo.

Kaya siguro masiyahin si Kazimier araw-araw dahil may mga cute siyang alaga na bumubungad sa kanya pagkagising niya.

"Ang babait naman," mahina kong sabi. Nanonood lang din kasi sila sa tabi ko at hindi nag-iingay.

"Cute niyo naman diyan, para kayong family." napalingon ako sa lalaking pumasok sa sala. Natawa si Kazimier nang biglang tumakbo sa kanya ang mga alaga niya.

"They're so cute." sabi ko kaya napatingin naman siya sa akin at napatango.

"Talagang cute, sobrang cute." sabi niya naman at binigyan ng pat sa ulo si Bonita at hinaplos naman niya ang ulo ni Purple. "Tara na? Baka gutom ka na," aya niya kaya tumango naman ako at sumunod sa kanya.

"Oh," gulat kong sabi nang i-urong niya pa ang upuan ko para sa akin. Natawa siya nang mahina kaya naman natawa rin ako at inayos ang suot kong dress. "Ikaw ang nagluto nito lahat?"

Ang daming pagkain! May siningang na baboy, may tinola, may hotdog at may adobo pa!

"Oo, madami ba masyado?" tanong niya, nakakunot ang noo. Alanganin akong tumango sa kanya. Ayoko namang magsinungaling! "Sinadya ko talaga 'yan para may maiuwi ka rin." he chuckled.

"Thanks," sabi ko nang lagyan niya ng kanin ang plato ko. Napangiti ako sa kanya at kumuha na ng ulam.

"Masarap ba?" tanong niya sa akin nang matikman ko ang sinigang. Umakto akong hindi ko gusto ang ulam kaya naman mukhang kinabahan siya. "Hindi ba masarap ang luto ko? Anong kulang?"

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now