chapter 14

7 3 0
                                    

I can't talk. I want to say something, but no words come from my mouth. I want to shout pero para akong nawala ng boses. I want to punch the wall, but I am tired. Napapagod na ang katawan ko. I can't move.

"Ho?! Nagbibiro po ba kayo?! Hindi po magandang biro 'yan, Doc Marquez!" napatayo na si Leahnie.

I looked at Doc Marquez's eyes to see if he was telling the truth. Bigla akong napaisip. Why would he lie about this thing? Anak niya ang pasiyente niya kaya hindi siya magsisinungaling.

"Ayoko pong maniwala sa inyo dahil wala namang sinabi si... Lizzeth." naiiyak na sabi ni Annette na nakaupo pa rin sa tabi ko.

"Ano pong dapat nating gawin? May magagawa pa po ba tayo?" tanong ni Heileigh, her eyes are hopeful that Doc Marquez will say yes.

"Maikli nalang ang natitirang oras ni Lizzeth. Wala na tayong ibang magagawa kundi sulitin ang mga natitirang oras niyang 'yon."

Napaupo si Leahnie kaya napaupo rin si Heileigh. Pinunasan ni Doctor Marquez ang luha niya para masabi pa ang mga dapat niyang sabi. I have a feeling that he will have a lot to say, but he can't say it directly because, of course, it's hurting for him too as a dad of Lizzeth.

"Her mom has the same condition. Ayon sa mga pag-aaral, pwedeng sa genes daw ito and I have a strong feeling na nakuha niya sa mom niya." he said, looking at the floor.

"Bakit po hindi niya sinabi sa amin?" tanong ni Annette. "May sinabi po ba siyang dahilan sa inyo kung bakit hindi niya nagawang sabihin sa amin?"

"She said..."

DR. MARQUEZ'S POV:

"Alam na ba 'to ng mga kaibigan mo, Liz?" tanong ko sa anak ko. I am her personal doctor because I don't want her to be dependent on other doctors. Pagkakamali na ang ipaubaya ko sa ibang kamay ang Mommy niya at ayokong maulit 'yon ulit sa kanya.

"I am not planning to tell them, Dad." wala sa sarili niyang sagot. Pakiramdam ko she wants to say something pero pinipigilan lang ang sarili.

"Why? I think they should know that dahil masakit din sa kanila... You've been with them for almost half your existence. I guess they deserve to know it, anak."

I was never there for her because I was busy studying, but I am still guiding her by being her personal doctor. Simula bata pa lang siya hanggang ngayon, I am her doctor.

"You think so?" tanong niya sa akin, tumango naman ako sa kanya. Napabuntong-hininga siya at umiwas ng tingin. "Ayoko nang makadagdag sa mga problema nila. Ayokong itrato nila ako na para bang lumpo ako, kapag nalaman nila ang sakit ko, mag-aalala sila sa akin at malulungkot." she sighed. "I want to live like a normal person. I want to live like them. Why can't I be normal and live like them?"

I sighed. That was my question too.

That night, I cried over and over again hanggang sa mapagod at makatulog ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lizabeth was gone and now... Lizzeth? Hindi ko na 'ata kakayanin.

"Dad,"

Napalingon ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas. "Come in," sambit ko nang marinig ang boses ng anak ko. It was Lizzeth. Kinuha ko ang salamin ko at sinuot para hindi halatang umiyak lang ako buong gabi.

"Good morning," bati niya at umupo sa harapan ko. Nakatingin siya sa mukha ko kaya iniwas ko 'yon at tumingin sa ibang direksyon. I don't want her to be worried about me. She needs to be worried about her life.

"Morning," I smiled.

"Are you okay?" naguguluhan niyang tanong, napatingin ako sa kanta at tumango. "I think you're not." she chuckled. Lumapit siya sa kinauupuan ko para yakapin ako.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now