chapter 11

6 3 0
                                    

Pagkatapos naming mag-ligpit ng mga gamit na nagamit namin ay naisipan naman naming mag-dilig ng mga halaman. Ngayon ay dinidiligan na namin ang mga halaman sa bakuran ko.

"Ang ganda naman ng mga halaman mo," nakangiting sabi niya habang tinutulungan akong magdilig.

Sarkastiko akong natawa at napairap sa kanya. Napaka-bulero talaga nito kahit kailan. Patay na nga ang ilang mga halaman ko dahil hindi ako marunong mag-alaga tapos maganda? 

"Kaso 'yung iba..." napangiwi siya nang makita ang tinutukoy kong mga patay na halaman. "Patay na..." mahina niyang sabi at napailing-iling.

"Hindi kasi ako marunong mag-alaga." sabi ko naman at napabuntong-hininga. Napatingin naman siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko. "Paano ba kasi maging healthy kagaya ng mga halaman mo?" tanong ko, nakakunot ang noo.

"Dinidiligan ko kasi at hindi ko nilulunod." natawa siya. Naalala ko na naman tuloy 'yung nalunod ko 'yung halaman! Ang lalim kasi ng iniisip ko that time kaya hindi ko na namalayan.

"Pasensya ka na, ha? Hindi kasi ako marunong mag-alaga ng halaman." sarkastiko kong sabi habang inaasar niya ako. "Nagkamali na nga nang-aasar pa." umirap ako at lumayo sa kanya.

Natawa siya lalo at lumapit sa akin kaya naman lumayo ako hanggang sa malapit na ako sa gate.

"Joke lang naman!" sabi niya naman, tumatawa pa rin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nagpatuloy na sa pagdilig ng mga halaman. "Saan ka?" tanong niya sa akin nang lumabas ako.

Lumabas ako dahil may mga halaman din sa labas ng bahay ko. Ginagawa ko ang makakaya ko na pagandahin ang mga halaman ko rito dahil para maganda naman sa mata ng mga taong dumadaan ang labas ng bahay ko.

"Hi, Miss,"

Gulat akong napalingon sa likuran ko nang makarinig ng boses. Napaawang ang labi ko nang makita ang isang lalaki na nakangiti ngayon sa akin.

"Yes?" nakangiting tanong ko.

"Pwedeng magtanong?" tanong niya sa akin. Actually nagtanong na siya pero bakit nagtatanong pa rin siya sa akin kung pwede ba siyang magtanong kahit nagtanong naman na siya?

Huh? Ang gulo. Ah, basta bahala na.

"Oo naman, ano ba iyon?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Napataas ang isang kilay ko nang bigla niyang ilahad ang kamay niya.

"Ruzzel nga pala," sambit niya. Napangiti naman ako at kinuha ang kamay niya para makipag-shake hands. "Anong pangalan mo?"

"Lizzeth," maikli kong sagot bago binitawan ang kamay niya.

"Dito ka nakatira?" tanong niya habang nakatingin sa bahay ko. Nang tignan niya ako ay tumango ako sa kanya bilang sagot. "Are you sing-"

"Ano ngang itatanong mo, pare?"

Nalipat ang tingin ko kay Kazimier nang bigla siyang lumabas mula sa gate, may dala pang dulos.

"Sino siya?" mahinang tanong sa akin ni Ruzzel kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Kazimier. Kazimier ang pangalan ko." masungit na sagot ni Kazimier kaya naman napatango ang lalaki sa kanya.

"By the way, single ka ba?" tanong niya sa akin, hindi pinapansin si Kazimier na matalim ang tingin sa kanya. Natawa lang ako nang mahina at hindi sumagot. "Is that a no?" tanong niya, nakakunot ang noo.

"Ano nga ulit 'yung tanong mo?" tanong ko sa kanya. Nararamdaman kong nag-iinit na ang ulo ni Kazimier dahil mahigpit na ang hawak niya sa dulos.

"Kung single k-"

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now