chapter 19

19 2 0
                                    

LIZZETH'S POV:

"Leukemia?" nanghina ang mga tuhod ko nang marinig ang sinabi ni Daddy. Kung nakatayo ako, nakaupo na siguro ako ngayon sa sahig.

Naalala kong iyon din ang sakit ni Mommy noon. Sabi ni Dad, namamana raw iyon.

Akala ko walang iniwan na pamana si Mommy sa akin. Meron naman pala.

Leukemia.

Ulit-ulit na nagfla-flashback sa utak ko ang salitang Leukemia. Hindi ko alam pero parang ayoko na uling marinig ang salitang 'yon.

Habang tumatakbo ang oras, natatakot ako... natatakot ako na baka maubos ang oras ko nang hindi pa ako handa.

[Sigurado ka bang ayos ka lang? Bakit naman yata ang lalim ng iniisip mo riyan?]

Tumawag si Uriyah pagkauwi ko kaya habang nakikipag-usap ako sa kanya ay naluluha ako. Mabuti nalang at hindi niya 'yon mapapansin dahil video call lang naman.

[Baka naman may problema kang kinikimkim diyan, ha? Don't be shy to tell me, to tell us... we're here for you. If you're fighting about something, let us know so we can fight with you.]

Nag-off ako ng cam para hindi niya makitang umiiyak ako. Nag-off din ako saglit ng mic para ilabas lahat ng emosyon ko. I scream loudly. Wala naman akong kasama dahil nasa trabaho sila.

[Lizzeth, bakit ka nag-off cam?] kaagad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ang tanong ni Uriyah. [Are you okay?]

"Y-yes," nautal ako. I tried to smile on the camera to prove that I am okay even though I'm not. Mabuti nalang talaga tinawag siya ng katrabaho niya kaya kailangan na niyang umalis.

Buong maghapon lang akong umiyak nang umiyak hanggang sa kinailangan ko nang mag-ayos dahil pauwi na si Heileigh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naligo ulit ako at nag-suot ng eyeglasses para hindi halatang umiyak ako.

"Oh," gulat na sabi ni Heileigh nang makita ako na nagluluto sa kusina. "Ano 'yang niluluto mo?" pumunta siya sa likuran ko para silipin ang niluluto ko.

"Meryenda," nakangiti kong sagot sa kanya. Napatango-tango siya at kumuha ng isa roon sa plato na may lamang mga maruya. "Naghugas ka na ba ng kamay mo?" tanong ko sa kanya, nakakunot ang noo. Galing siya sa byahe at sa pawisan ta's sabay hawak sa pagkain at subo. Kita mo naman nga 'tong babaeng 'to.

"Malinis naman ang kamay ko. Naligo naman ako." umirap pa siya sa akin.

"Galing kang kalsada, baka may kung anong germs naman diyan sa kamay mo."

Natatakot na 'kong magkasakit sila. Hindi ko yata kakayanin kung pati sila may sakit din. Hindi bale na ako nalang at huwag na sila, iyon lang ang panalangin ko.

"Girl, huwag kang masyadong O.A. riyan, 'yung iba nga nag-number 2 tapos diresto subo kaagad ng chips!" pagtatanggol niya pa. Gumawa ako ng nandidiring mukha kaya malakas naman siyang natawa at napailing-iling nalang sa akin.

"Bakit nakasuot ka ng salamin? Malabo na ba ang mga mata mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Leah.

Umiling lang ako bilang sagot.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now