chapter 9

6 3 0
                                    

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Pakiramdam ko ang bilis lang din ng tulog ko. Napatingin ako kay Kazimier na nanonood pa rin. Iba na ang posisyon naming dalawa, ako na ang nakasandal sa kanya habang siya seryoso sa panonood. 

"Hindi pa rin tapos?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin nang bigla akong magsalita. Natawa naman ako at sinandal na ang ulo sa sandalan ng sofa. 

"Hindi pa. Hindi ko alam 'yung ibang nangyare dahil nakatulog ako." natawa rin siya. 

Natigilan ako nang makaramdam ng kung ano sa tyan ko habang pinaglalaruan ni Kazimier ang isang kamay ko. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Sorry," alanganin siyang ngumiti. Umayos na siya ng upo at nagpatuloy nalang din sa pinapanood.

"Okay lang naman," I chuckled. Hindi na siya umimik at nanood nalang din. Maya-maya pa ay naiiyak na siya kaya naman bigla akong nag-panic. "Ayos ka lang?!"

"Ah, ayos lang naman..." sabi niya at pinunasan ang mga luha niya. Natawa ako at inabutan siya ng panyo. "Namatay kasi 'yung bida," inis niyang sabi.

"Doon din naman mapupunta lahat." sabi ko naman at tumingin sa TV. Iniwas ko ang tingin ko nang makitang nag-iiyakan ang mga tao sa hospital bed noong bida.

Hindi ko 'ata kayang makita.

Kumakain lang ako habang si Kazimier, umiiyak dahil nga raw namatay 'yung bida. Hindi ko na naiintindihan ang pinapanood namin pero pinapanood ko pa rin para makasabay kahit papaano sa kanya.

"Naniniwala ka bang may Multiverse, Liz?" tanong sa akin ni Kazimier kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ako naniniwala na may Multiverse pero kung totoo man 'yon, sana may universe na may mas mahaba akong oras." nakangiti kong sagot.

"Aww, don't worry... kahit na maikli lang ang oras mo, I will help you to make it memorable." he chuckled.

"You will help me?" tanong ko, nakakunot ang noo. Tumango naman siya at sinenyasan akong yakapin siya kaya naman niyakap ko rin siya.

It was comforting. His warmth is comforting.

"Salamat dahil nagkakilala tayo, Lizzeth." mahina niyang sabi habang nakayakap ako sa kanya. "Salamat dahil pinaramdam mo sa akin na kaya ko pa rin palang magmahal ng ibang tao bukod sa sarili ko at sa mga alaga ko."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magsalita.

"Hindi ko ipinapangako na kaya kong iparamdam sa'yo ang totoong pagmamahal pero gagawin ko ang makakaya ko para maibigay 'yon sa'yo, Lizzeth." mahina niyang sabi.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. I don't know, but hearing those words from him makes my heart pound. Masaya akong handa siyang tulungan ako.

"You don't have to do that. Ayoko ng pilit na totoong pagmamahal dahil walang ganoon. Hindi pilit ang totoong pagmamahal, Kazimier." sabi ko rin.

Napabitaw siya sa yakap at tinignan ako nang diretso sa mata. Napatingin ako sa mga kamay ko nang bigla niyang hawakan ang mga ito.

"Hindi ko pipilitin. Hahayaan kong puso ko mismo ang magpaparamdam no'n sa'yo." nakangiti niyang sabi kaya naman napangiti rin ako at niyakap siya nang mahigpit. "Pinapayagan mo ba akong tulungan ka?" tanong niya at pinaharap ako sa kanya.

Tumango ako. "Yes, I am allowing you."

Gabi na rin noong makauwi ako dahil nagkuwentuhan pa kami ni Kazimier at nanood ng ilan pang mga movie. Puro mga mind blowing ang mga pinanood namin dahil ako ang nag-suggest.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now