chapter 10

8 3 0
                                    

Tumango naman siya sa akin at tinawag na ang waiter para sabihin ang order naming dalawa.

"Is that all, Sir?" tanong noong waiter kay Kazimier. Tumango naman ito at tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya, nakakunot ang noo. Tumango naman ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Parang kinakabahan ka..." mahina niyang sabi at mahinang natawa.

"Bakit tayo lang ang tao rito?" naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa paligid. Kami lang dalawa ang kumakain dito at wala nang iba.

"Pina-reserved ko 'to," he chuckled.

Pina-reserved niya?! What?! Hindi nalang ako nagsalita at umiwas na ng tingin. Gusto kong makipagkuwentuhan sa kanya pero hindi ko magawa dahil nauutal ako. What the brick.

"May chocolate cake po ba talagang kasama ito?" tanong ni Kazimier nang makitang may dalawang slice chocolate cake ang meron sa lamesa namin.

Tumango ang waiter. "Free raw po 'yan sa mga customer for today."

"Thank you," nakangiti kong sabi sa kanya. Nag-bow ang waiter at naglakad na paalis. "They are so kind," mahina kong sabi habang nakatingin sa mga pagkain.

"Banana shake mo," inilapit ni Kazimier ang banana shake sa tabi ko kaya ngumiti naman ako sa kanya. "Kumain na tayo," aya niya sa akin at tumango ako at nagsimula nang kumain.

"Tikman mo," nilapit ko sa bibig ni Kazimier ang kutsara na may lamang ulam na tinikman ko. Natawa naman siya at tumikim din. Nang mapagtanto ko ang ginawa ko, bigla akong nahiya!

"Masarap nga," sabi ni Kazimier at ngumiti.

Habang kumakain kami ay nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga bagay na paborito namin.

"Do you like arts?" tumingin ako sa kanya, iniintay ang sagot niya.

"Oo, pero hindi ako magaling." sagot niya at mahinang natawa. "Ikaw? Ay magaling ka na pala!"

Natawa naman ako sa kanya at napailing para sabihing mali ang tinuran niya. "Hindi ako magaling sa arts." tanggi ko naman.

Kumunot ang noo niya. "Huh? Ang ganda kaya ng gawa mo! Sobrang ganda!" sabi niya at ngumiti sa akin.

Napangiti rin tuloy ako. "Salamat," nahihiya kong sabi.

"Noon pa lang gusto ko nang matutong mag-drawing." nakanguso niyang sabi. "Kinukutya ako ng ibang tao tungkol sa drawing ko. Kesyo pangit daw."

Bigla akong nalungkot nang marinig ang sinabi niya. Kinukutya siya dahil pangit ang drawing niya?

"Huwag kang mag-alala, tuturuan kita. Sabay tayong magpe-paint." sabi ko at ngumiti sa kanya. Natawa ako nang makitang nagulat siya, hindi niya 'ata inaasahan 'yon mula sa akin.

"Talaga? Tuturuan mo 'ko?" masaya niyang sabi. Tumango naman ako kaya napangiti siya lalo. "Grabe... pero sige, I am willing to learn." sabi niya at nagpatuloy na sa pag-kain.

Tapos na kaming kumain kaya nagkukuwentuhan nalang kaming dalawa ngayon. Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ng violin. Napatingin ako kay Kazimier na nakatingin na pala sa akin.

"Pamilyar 'yung tugtog," nakakunot ang noo kong sabi habang nakatingin sa lalaking tumutugtog ng violin. "Can't help falling in love," mahina kong sabi kay Kazimier nang maalala na ang title.

Napaawang ang labi ko nang bigla niyang ilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Sayaw tayo? Mas magandang sabayan." he chuckled.

Natawa rin ako at ibinigay ang kamay ko sa kanya. Naglakad kami papunta sa gitna. Pinulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now