chapter 18

7 2 0
                                    

Hanggang sa makauwi kami ay umiiyak pa rin si Lizzeth kaya kailangan siyang i-check ng mga nurse niya.

"What happened?!"

We all looked at the door when it opened. We saw Doctor Marquez, who is now wearing a white t-shirt and black pants. He immediately came to his daughter and held her hand.

"Dad... I saw him... I saw him.." umiiyak niyang sabi habang nakahawak sa kamay ng Daddy niya.

May sinabi lang iyong nurse kay Doctor Marquez bago lumabas. Nagpasalamat naman si Annette habang nakatulala.

"I saw him... but... he didn't know me anymore... he's real but... he can't remember me..."

"Daddy is here..."

I looked away when I saw Doctor Marquez's tears streaming down his face. I couldn't watch them cry, so I went outside to breathe for a while, but I saw Leah, crying on Aaron's arm.

"Where's- Love!" napalingon ako kay William nang yakapin niya ako. Tumingin lang ako sa kanya at hindi umimik. He kissed my cheek before hugging me.

"Saan ka galing?" tanong ko, pinipigilan ang iyak ko.

"Bumili lang ako ng pagkain para sa atin." sabi niya naman. I nodded when I saw Mico, holding two plastic bags.

"Where's Heileigh?" Mico asked. Tinuro ni Aaron ang gilid niya kaya napatango si Mico at pumasok na sa loob para ilapag ang mga binili nila.

Ilang oras din si Doctor Marquez sa loob, kinakausap niya si Lizzeth at sinasabihang magiging ayos din ang lahat. Nag-uusap din sila kanina ngunit hindi ko maintindihan dahil nasa labas ako.

"Pasok daw tayo," sabi ni Annette sa amin kaya tumayo kaming tatlo at pumasok. William just nodded and smiled, but I didn't smile. I just nodded to him before entering the room.

"Are you okay now?" tanong ko kay Lizzeth nang makapasok kami sa loob ng kwarto niya. She's just laying on her bed, getting weaker now.

"I am not okay, Yah..." garalgal na ang boses niya kakaiyak. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko nang makitang naiiyak na naman siya. "Lumapit kayo sa'kin," mahina niyang sabi.

Lumapit kami sa kanya. Nasa kabilang gilid niya si Leah at Heileigh at kami ni Annette naman sa kabilang gilid.

"I don't know what to say..." she chuckled. I looked away so she won't see my crying. "Pwedeng pakikuha 'yung plastic diyan sa likod mo?" tanong niya kay Leigh, tumango naman ito at kinuha rin. "Thanks..."

She took out a 4 sunflowers. Nagkatinginan kaming apat nang makitang naiiyak siya habang hawak 'yon.

"My favorite flower. Our favorite flower." she smiled. Isa-isa niya kaming binigyan gamit ang nanghihina niyang mga kamay kaya mas nahirapan lang akong huminga. My hands are shaking. "I know you already know everything."

I gasped.

"Alam ko nang alam niyo na lahat ng mga tinatago ko sa inyo..." Annette held my hand when she saw my hands were shaking. "Alam kong alam niyong maikli nalang ang oras ko sa mundo..."

"Liz naman..." umiiyak na sabi ni Leah, nakatakip sa mukha niya.

"Pasensya na kung tinago ko sa inyo..." tumutulo ang mga luha niya habang nagsasalita ngunit hindi niya 'yon pinapansin. "Pasensya na kung hindi ko sinabi..."

"Okay lang 'yon-"

"Hindi 'yon okay, Annette." putol ni Liz kay Annette nang magsalita ito. Yumuko si Annette habang umiiyak. "Hindi okay na hindi ko sinabi sa inyo... alam kong mali 'yon para sa inyo pero para sa akin, tama kasi 'yun, e." she cried more.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now