chapter 13

5 3 0
                                    

Nanghina ang mga tuhod ko nang marinig ang ibinalita sa amin ng personal doctor ni Lizzeth. May isa pa siyang doctor bukod sa doctor niya rito sa ospital kung saan siya na-confine.

Tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin kay Lizzeth na nasa hospital bed niya, mahimbing na natutulog.

"Tutuparin ko ang pangarap natin Lizzeth..." mahina kong sabi at marahang hinawakan ang kamay niya. "Tutuparin ko... pangako ko 'yan." umiiyak kong sabi.

Dalawang araw bago ang huling practice ay iniyak ko na lahat ng kaya kong maiyak. Pinagsisipa ko ang pader hanggang sa ma-satisfied ako. Nasa tabi ko lang si Mico na nakangiti at sinasabihan akong kaya ko.

"I can hear her smiling..." bigla niyang sabi kaya napangiti ako at pinunasan ang mga luha ko saka ulit sumipa.

"Arghhh!" inis kong sabi at susuntukin sana ang pader ngunit pinigilan ako ni Mico.

"Tama na, enough na 'yon." inalalayan niya ako paupo sa sofa at pinakalma ako. Napangiti naman siya sa akin at binulungan akong kaya ko 'yon dahil proud silang lahat sa akin.

Kinabukasan ay ginala ako ni Mico sa park. Sa park kung saan pwede akong makalanghap ng sariwang hangin. Nakayakap ako sa kanya ngayon habang nakatingin sa magandang tanawin na nasa harapan namin.

"It's so pretty..." mahina kong sabi habang nakatingin sa harapan. Napatingin naman ako kay Mico nang marinig ang buntong-hininga niya.

"Ang galing mo," natawa ito at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Napaiwas ako ng tingin nang maramdamang naiiyak na naman ako. Puro nalang 'ata iyak ang ginawa ko buong magdamag at sa magdamag na 'yon, hindi siya umalis sa tabi ko, sinamahan lang ako hanggang sa makatulog ako.

He really helped me a lot. Mino-motivate niya ako sa tuwing gusto ko nang sumuko. Hindi siya umaalis sa tabi ko at pinapaalala sa aking magiging maayos din ang lahat.

I am thankful to have him.

"Thank you..." naiiyak kong sabi kaya naman natawa siya at hinawakan ang baba ko para mapaharap ako sa kanya at makita nang maayos ang mukha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang mga luha ko pero hindi pa rin 'yon tumitigil, tulo lang nang tulo kahit anong pigil ang gawin ko.

"You don't have to thank me. I am not just your lover, but also your best friend. Handa akong gawin ang lahat para lang matulungan ka at mapagaan ang pakiramdam mo." he kissed my forehead.

"I love you," hinalikan ko siya sa pisngi kaya naman mahina siyang natawa at mahigpit akong niyakap.

"I love you, Leigh."

"Sigurado ka ba talagang hindi mo kami panonoorin?" tanong sa akin ni Annette habang naghahanda ng pagkain ko.

Usually si Lizzeth ang naghahanda ng baon ko pero dahil hindi niya naman magagawa 'yon, sila Annette nalang gumagawa no'n para sa akin. 

I love them so much. Pinapalakas din nila ang loob ko. Dahil sa kanila, patuloy akong lumalaban.

"Oo nga, gusto naming manood." sabi ni Leahnie. Halatang wala siya sa sarili niya pero gusto niya pang manood at umalis.

"Hindi na nga, ako na bahala. Mananalo ako, claiming it." natawa ako kaya naman napangiti rin sila at tumingin kay Uriyah na nakatingin lang kay Lizzeth.

Sabi nila sa akin, hindi na raw 'to kumakain at pinagmamasdan lang ang mukha ni Lizzeth.

"Uriyah, aalis na ako." mahina kong sabi at tinapik ang balikat niya. Napatingin siya sa akin at niyakap ako. "Kumain ka, ha?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Wala pa akong gana sa ngayon." walang emosyong sabi niya. Tumango lang ako at humalik sa pisngi niya bago lumapit kay Lizzeth at hinalikan ito sa noo.

"Lizzeth, I will make you proud." nakangiting sabi ko kay Lizzeth na natutulog pa rin hanggang ngayon.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now