chapter 15

8 3 0
                                    

"Huh? Kazimier? Parang wala naman tayong kakilalang Kazimier noong high school tayo." napakamot si Aaron sa ulo niya nang tanungin namin siya about kay Kazimier. We asked him because we couldn't remember if we met a man named Kazimier.

"E, sino 'yon?" nakakunot ang noong tanong ni Leahnie sa hangin at napabuntong-hininga.

Kung hindi namin siya kilala, bakit siya kilala ni Lizzeth? I wasn't here for the whole three years kaya hindi ko alam kung may nakakausap ba si Lizzeth na Kazimier. Sabi naman nina Annette, Leahnie at Heileigh, wala naman daw nakuwento si Liz sa kanila.

75% of my body believes Liz met Kazimier in her long dream, and the remaining 25% believes it happened in real life.

"I will try to find him. Susubukan kong tawagan ang boss ko if he can help me with this thing. I know he has a lot of connections. Maybe that can help us find Kazimier faster."

[I will try my best, Uriyah.] my boss said when I called him.

"Thanks, Pa," my boss is my dad.

"Susubukan ko rin, love. I will help you, okay? Just relax for a bit." William kissed me on my cheek before walking to his friend. He's helping us by contacting his friends who have powerful connections. 

"Nahanap niyo na ba si Kazimier?" tanong sa amin ni Lizzeth nang magising siya noong kinaumagahan. Napayuko ako at umiling sa kanya. "Hindi? Hindi niyo siya nahanap?" tanong niya, naiiyak na.

"Anong apelyido niya, Liz?" tanong ni Heileigh habang hawak ang phone nito. She sat beside Lizzeth para ipakita ang mga na-search niyang kapangalan noong Kazimier.

"He's not that. He's moreno, mas matangkad sa akin, makapal ang kilay at nakatira siya sa... Tranquilo Villa."

Tranquilo Villa? Where on earth is that villa? Sinubukan kong i-search ngunit walang lumabas. I'm not sure if that villa or that man exists, but I will try to find him anyway. I want Lizzy to be happy.

"Ano 'yan?" tanong ni Annette kay Lucas nang dumaan ito sa amin na may dalang canvas at mga paint. Tumigil ito sa paglalakad at tumingin sa amin.

"Lizzeth asked me to buy these. I will just give this to her, wait for me." he winked and Annette laughed a bit.

"Bakit kaya kailangan niya ng paints?" tanong ni Annette sa akin. Kami lang dalawa ang magkasama ngayon dahil busy si Heileigh at Leahnie sa paghahanap. Kahapon kami ni Anne and today naman sila.

"She loves art. As far as I know, sa art niya binubuhos lahat ng emotions niya." I shrugged.

Napalingon kami sa pinto nang bigla iyong bumukas at lumabas si Lucas, may ngiti sa mukha. "She said, you can come in."

"Thanks," mahina kong sabi at marahang pumasok sa loob ng kwarto ni Lizzeth. Napangiti siya nang makita ako. "What are you doing?" tanong ko nang makauppo sa tabi niya.

"I will paint the artwork of Kazimier when I teach him how to paint." she smiled at me. She looks so happy when she's saying that name.

Kazimier

Iyon na nga lang 'ata ang bukambibig niya sa buong maghapon at magdamang. Hinahanap niya lagi si Kazimier.

I refused to answer work-related phone calls because I was on sick leave. Noong mga nakaraang araw ay masama ang pakiramdam ko pero simula noong nagising si Lizzeth, umayos na ulit.

She's my cure.

"Tignan mo," she suddenly said. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya para tignan ang gawa niya. As usual, it was pretty. Lizzeth is good at arts.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now