chapter 12

5 2 0
                                    

"Liz, bangon na..."

"Lizzeth, I'm sorry..."

"Gumising ka na, Lizzeth... Please..."

Dahan-dahan kong binukas ang mga mata ko nang marinig ang boses ng mga kaibigan ko. Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Leahnie na sinasabihan akong bumangon na, naririnig ko rin ang boses ni Uriyah na humihingi ng tawad at boses naman ni Annette na pilit akong ginigising.

"Oh my gosh, gising na siya... tawagan mo si Heileigh."

Naguluhan lang ako lalo nang maamoy ang amoy ng ospital. Nang tignan ko ang kama ko, hospital bed 'yon at hindi ang kama ko.

Nasaan ako?

Napatingin ako kay Leahnie nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Umiiyak siya sa balikat ko habang si Uriyah naman ay nasa gilid ko, umiiyak din ngunit walang tunog. Nang tignan ko si Annette, mugto ang mga mata niya, halatang galing sa pag-iyak.

Bakit sila nag-iiyakan? Bakit nandito ako sa ospital at wala sa Tranquilo Villa? Anong nangyare sa akin?

Napakaraming tanong ang sumagi sa utak ko habang nakatingin ako sa paligid ngunit nangingibabaw pa rin si Kazimier sa utak ko. Nasaan siya? Nasaan si Kazimier?

"May masakit ba sa'yo, Liz?" tanong sa akin ni Annette at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako sumagot at sinubukang alalahanin ang mga nangyare.

"I love you even more, mahal ko."

"Nasaan si Kazimier?" tanong sa kanila. Napatigil sa pag-iyak si Leah at naguguluhang tumingin sa akin.

"Sino?" nagtatakang tanong ni Annette sa akin. Kinuha niya ang upuan at umupo roon.

"Si Kazimier, Anne... Nasaan siya? Nasaan si Kazimier?" nakakunot ang noo kong tanong. Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap gamit ang mga mata.

"Liz, wala kaming kilalang Kazimier at wala ka ring kilala-"

"Meron, Uriyah! Meron akong kilalang Kazimier!" sigaw ko kaya napaayos silang lahat. Sinubukan kong umupo kaya kaagad naman nila akong pinigilan. "Pupuntahan ko siya..." inis kong sabi at sinusubukan silang itulak ngunit nanghihina ang katawan ko.

Bakit ako nanghihina? Anong nangyare sa katawan ko? Sobrang lakas ko pa naman noong bago ako matulog pero bakit... andaming nakakabit na kung ano sa katawan ko?

"Lizzeth!" dali-daling tumakbo papalapit sa akin si Heileigh na may suot pang pang-training. Niyakap niya ako at umiyak sa balikat ko. "Lizzeth... Salamat naman sa Diyos at gising ka na..." mahina niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin.

"Leigh, nasaan si Kazimier? Alam mo ba kung nasaan siya?" nagsimula nang mag-init ang mga mata ko, nagbabadya na ang mga luha.

"Sinong Kazimier?" tanong niya naman sa akin, nakakunot ang noo. Nagtanungan silang apat kung may kilala silang Kazimier ngunit wala raw silang kilala.

"Ipakita niyo sa akin si Kazimier... Kazimier... Kazimier... Kazimier... Nasaan ka ba?!" sigaw ako nang sigaw habang umiiyak, nararamdaman ko lang silang niyayakap ako at sinusubukan akong pakalmahin pero nagpupumiglas pa rin ako kahit alam kong hindi ko naman kaya.

"Kazimier... Kailangan ko siya... Kazimier... Ipakita niyo siya sa akin! Bitawan niyo 'ko! Kazimier! Please... Ipakita niyo siya sa akin... K-kailangan ko siya..."

LEAHNIE'S POV:

Halos isang linggo nang nasa ospital si Lizzeth dahil sa nangyareng aksidente sa ferris wheel na sinasakyan niya. Noong araw na narinig ko ang pangalan niya sa balita kung saan binanggit ang mga pangalan ng mga taong nadamay sa aksidente sa isang peryahan sa Taguig para akong nabingi.

Falta De Tiempo | ellajasfWhere stories live. Discover now