Chapter 1

66.5K 1K 454
                                    

Justina xie as Kai

Justina xie as Kai

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


✨✨✨

Nasa harap ako ng mahaba naming mesa habang nasa kabilang dulo naman ang aking ama na tahimik na umiinom ng kape. Hindi ko ginagalaw ang pagkain ko dahil hindi naman talaga ako nag b'breakfast. Sadyang ginising lang ako ng isang maid dahil pinatawag ako ng aking magaling na ama, para daw masaluhan ko siya sa pagkain.

" Eat your food Kaia at masamang pinaghihintay ang pagkain."

" You know damn well that I don't eat breakfast, ano po bang gusto niyong sabihin.Can you say it now, so I can leave already?"

Matabang kong saad at walang ganang tiningnan ang pagkaing nasa harap ko, biglang umalog yun nang hinampas niya ng malakas ang mesa.

" Language young lady! Umayos ka,Kaia ha,hindi ka namin pinalaking ganyan ng mommy mo!"

Agad akong naging bad mood when he mentioned my mom. Inis akong tumayo at akmang iiwan na siya ngunit

" Get down on your seat Kaia Jade! Hindi pa ak-"

" It is Kai! Not Kaia! Stop calling me that for fuck's sake!"

Sumabog na ako sa galit. Hindi ko na ginustong may tumawag pa sa aking Kaia ever since my mom died. Tumayo na siya sa kina-uupuan niya nang hindi ako nakinig. He grabbed my arm at agad dinala sa sala at marahas na pinaupo sa couch.

" Use that word on me again at hinding hindi ako magpipigil na buhatan ka nang kamay! You're being too much Kaia! Hindi na kita makilala... Anak I know it's been so hard for you ever since Karina died, and I am suffering too!"

Umingos lang ako sa turan niya. I don't give a fuck about what he feels anyway. Tumayo ako at akmang aalis

" Where you do you think you're going?"

" Out of this shitty place.. "

" You are not leaving this house! I am confiscating all your motorbikes and car keys right now. You are going nowhere but the school today!"

" Fine! Take all of it, I don't care!"

" Even your long board and hoverboard are also confiscated!"

Napahinto ako at galit na humarap dito

" You're being too much!"

"No You! Are being too much. Young lady!"

Nagtagis ang bagang ko dahil sa kanya. Dinuro niya ako, ngayon niya lang ako pinagtuunan ng pansin at pinakialaman sa lahat ng mga ginagawa ko. Maybe he really did had too much of my troubles. Hm! Good for him! I smirked at my thought.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon