Chapter 52

28.4K 779 515
                                    


Vanessa

" Life is truly unfair." Lumuluhang sambit ko sa harap nang maraming taong kakilala ko na dumalo sa masakit na pangyayaring ito.

It's been a month since that dreadful day. I can't eat and when I sleep ay nagigising ako sa masamang panaginip. I looked at everyone while I continued my speech kahit sobrang hirap dahil nahihirapan na akong huminga dahil hindi ko mapigilang mapahikbi. Hinimas ko ang umuumbok ko'ng tiyan. Yes, I am now pregnant with Kaia's baby.

" There's nothing we can do but to accept it and moved on with our lives without the person we love the most." Pinahid ko ang luha ko sa pisngi ko gamit ang puting panyo na hawak ko.

I saw my father wiped his tears away as he looked down. Hinahagod ni mama ang likod niya para patahanin. Iginala ko ang paningin ko sa lahat at nakita ko ang mga taong nakabantay sa akin.

After everything that happened ay pinabantayan na ako nang ama niya lalong lalo na ngayon at pinagbubuntis ko ang apo niya. Naluha ulit ako nang maalala ko siya. Suminghot ako bago lumingon sa puting kabaong sa likod ko.

" Tama na kakaiyak anak, masama para sa bata iyan..." Mahinahong sambit ni mama.

Iginiya niya ako paupo at pinahid ang luha ko bago ako bigyan nang tubig. Uminom ako habang humihikbi. Nakita ko'ng lumapit si papa sa kabaong at tumitig doon. I know masakit din para sa kanya nang mawala siya. Napapikit ako dahil nakaramdam ako nang hilo kaya humawak ako sa ulo ko.

" Anak, ayos ka lang ba ha? Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba ha?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin.

" I-I'm fine ma, nahilo lang po ako." Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.

" Mao lage na ako'ng ingon nimo nga dili ka mag sigig hilak! Hala pang banyos aning haplas..." Anya at agad akong pinahiran nung oil na maanghang sa may t'yan.

Suminghot lang ako, nakaramdam ako nang relief after ko masinghot ang amoy menthol na oil.  Marami pang mga bisita ang dumating at nakiramay, hinintay muna naming matapos ang seremonyas nang pari bago namin tuluyang dinala ang bangkay sa cemetery.

" Ma'am? Oras na po nang pag inom niyo nang vitamins." Sabi nung lalaking kalbo na nagbabantay sa akin.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti, bago inabot ang vitamins ko at agad na ininom iyon. I don't want them to worry about my pregnancy kaya sinunod ko lahat nang bilin nang doctor ko.

" Ipagdasal natin ang kaluluwa nang yumao at nawa'y matahimik siya at sumalangit nawa." Sambit nang pari sa harap nang kabaong.

Nag sign of the cross ang lahat at taimtaim na nagdasal. Pumikit din ako para magdasal at makapagpa-alam na. Dahan-dahan nang ibinaba ang kabaong niya sa hukay kaya tumulo na naman luha ko at napahagulhul. Ako ang kahulihang nagtapon nang puting bulaklak sa kabaong niya. Suminghot ako at nagpunas nang luha bago nagsalita.

" Rest in peace po lola ..."  Umiiyak na sambit ko.

Pinahiran ko ang luha ko sa pisngi bago ako bumalik sa upuan ko, nakaalalay namin sa akin ang mga bodyguards at inalalayan ako'ng makaupo nang maayos.  
Pagkatapos nang libing ay agad na kaming sumakay sa kotse at dumiretso na sa hospital.

Naglalakad na ako agad patungo sa kwarto ni Kaia kasama ang bodyguards at bitbit nila ang prutas na binili ko for her. Pinagbuksan nila ako nang pintuan kaya agad na akong pumasok sa loob.

Dumiretso na ako sa tabi nang kama niya at naupo. May nakalaan nang upuan du'n para sa akin dahil lagi akong bumibisita sa kanya.

" You have to wake up now Kaia.... Lumalaki na ang t'yan ko at gusto ko'ng makita mo na ako nang ganito." Malungkot ko'ng saad habang nakatingin sa natutulog na si Kaia.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon