Chapter 53

30.4K 783 338
                                    

KAIA JADE

Nakauwi narin ako sa mansyon sa wakas. Hirap ako'ng maglakad nung unang apak ko sa sahig dahil isa'ng buwan akong nakahiga sa hospital bed. Naging masipag ako sa pag e exercise para lang manumbalik ang lakas ko, kaya ito nga at worth it lahat nang efforts ko dahil nakakalad na ako.

Nasa garden ako ngayon habang humihigop nang kape, wala si ma'am Vanessa at nasa bahay daw nila kasama ang parents niya. Kampante naman ako dahil may pinadalang bodyguards na nagbabantay sa kanila kapag wala sila dito sa mansyon namin. Pinatigil na rin ni dad na mag trabaho si old man dahil magiging ama ko na rin daw siya kalaunan kapag naikasal na kami ni ma'am.

" Iyon pa po ate." Turo ko sa isang magandang bulaklak na white rose.

Pinapitas ko ang mga maids namin dahil balak ko'ng bigyan si ma'am nito. Nasa likod ko si Bobby habang may hawak siya'ng wrappers para du'n sa mga bulaklak. Napansin ko'ng kanina pa siya nag nanakaw nang tingin kay Rita na namimitas nang mga bulaklak sa harden. Pasimple akong umatras hanggang sa makatabi ko na siya.

" Lapitan mo na, alam ko'ng kanina mo pa siya tinititigan Bobby..." Sabi ko habang nakatitig din sa maid namin na walang ka malay malay.

Napatingin sa akin si Bob at nagulat, nginisihan ko siya at maloko'ng tinaas baba ang kilay ko bago siya tinapik sa balikat.

" Go... Talk to her." Sabi sabay giya nang ulo ko para lumakad na siya.

" Salamat boss Kaia." Nakangiti niya'ng saad.

Agad siyang naglakad at kinausap yung maid namin sa may harden. Nakita ong nag uusap na sila at nagtatawanan. Lihim na nag thumbs up sa akin si Bob kaya kumindat lang ako sa kanya para hindi kami mahalata ni Rita. Matapos nilang mamitas ay agad nilang inayos 'yung mga bulaklak at isinilid sa wrapper.

" Ayan, ang ganda. Tiyak ako'ng nagugustuhan ito ni madame, ma'am Kaia..." Nakangiting sambit ni Rita habang hawak ang bouquet nang bulaklak.

" Talaga?" Nakangiti ko'ng sambit habang nakatitig sa bulaklak.

Tumango naman sila'ng dalawa ni Bob kaya napangiti ako. Excited na ako'ng makita siya at mahimas ang malaki niya'ng tiyan. Our baby is growing so fast kaya lalong lumubo ang tiyan ni miss ma'am ko.

Ngunit lalo lamang siyang naging hot sa paningin ko. I can't wait to call her my wife. Naiwan kaming dalawa ni Bob dahil nagpa-alam na si Rita na papasok sa mansyon and I let her kaya naiwan kaming dalawa dito.

" Paano ba umakyat nang ligaw Bobby?" Tanong ko sa kanya habang nakakamot sa batok ko.

" Ay madali lang po boss. Kantahan niyo si madame nang visayan song, tiyak ako'ng sasagutin ka niya agad agad." Confident na saad nito sa akin.

" Visaya? Are you sure about that?" Hindi kombinsadong tugon ko sa kanya.

" Naku boss, sobrang effective po talaga nu'n promise po, 'yan ang ginawa nang lolo ko sa lola ko kaya kahit hanggang ngayon at magkasama parin sila." Sabi niya.

Napataas ako nang kilay sa kanya.

" Weeeh... Mamatay?" Sambit ko.

" Oo nga po boss Kaia. Samahan niyo rin nang konting balak. Naku! Sureball kana kay madame." Napasuntok pa siya sa ere.

Natawa nalang ako sa kanya at naiiling. Effective kaya iyon? Gagawin ko ba?tanong ko sa isip ko. Hayst bahala na nga. Agad akong nag bihis dahil pupunta na ako sa bahay nila ma'am at aakyat nga ako nang ligaw at formal na hingin ang kamay niya sa mga magulang niya. Naibigay na din sa akin ni daddy ang heirloom ring ni mommy noon.

It's a 24 karat white gold and diamond ring na minana pa nang mommy ko sa ka lola lolahan ko. Napangiti ako at hindi na makapaghintay na maisuot ito kay ma'am. Inayos ko ang sleeves ko sa harap nang salamin at tiningnan ang pormahan ko at umakto ako'ng makisig.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Where stories live. Discover now