Chapter 37

23.3K 678 238
                                    

Masayang nag-uusap sa Visaya sila nanay Della at Bob at nanatili lang akong nakikinig sa kanila at tumatawa kasabay nila kahit wala akong naiintindihan. Humihigop ako nang kape nang biglang may dumating na sasakyan. Napatingin kaming lahat doon.

" Oh nandito na pala ang anak ko." Ani ni nanay Della.

Agad ko'ng inilapag 'yung tasa at umayos nang tayo. Sininyasan ko rin 'yung mga bodyguards ko kaya napatigil din sila ka'kakain at tumayo sa likod ko. Nakita kong bumaba si ma'am sa kotse at kasama niya pala 'yung fiance niya. Gusto kong mag ikot nang mata sa kabagalan nang kupal niyang fiance, hindi man lang niya pinagbuksan si ma'am nang pinto eh. I saw how confused she is nang makita ang kga sasakya'ng nakaparada sa harap nang bahay nila. At mas lalo siyajg nagulat nang makita ang buong bakuran nila na punong-puno na. Lumapit siyabkay nanay at nagmano.

" Magandang gabi mama."  Sabi nung fiance niya.

Parang gusto ko tuloy manapak. Mama pala tawag niya kay nanay? Sa bagay fiance na siya eh, ano pang magagawa ko. Sa isip ko. Agad akong pumormal at bumati kay ma'am.

" Good evening professor Gonzalez."  Magalang ko'ng bati at yumuko.

Nagulat at napaigtad ako nang sabay na bumati din 'yung mga bodyguards ko sa likod sa mga malalaki nilang boses. Gad akong lumingon sa kanila at nakita ko'ng nakayuko silang pito kagaya ko kanina. Tumikhim ako kaya napatingin si Bob sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay at binigyan nang WTF look, kaya agad siyang umayos nang tayo bago siniko 'yung mga kasama niya. Napapikit nalang ako at lihim na napaikit nang mata.

" Sorry po boss..." Mahinang sambit ni Bob matapos tumikhim.

" Ma, what's all this? Bakit ang daming bulaklak?" Takang tanong ni ma'am sa ina niya.

" Ay naku, binigyan kasi ako ni Kaia nang bulaklak. Tingnan mo nga anak ang gaganda diba?" Tuwang saad nito sa anak habang nakatingin sa mga bulaklak niyang bigay ko.

Agad naman napabaling sa akin si ma'am at sumeryoso ang mukha. Tumikhim  ako at pasimpleng inayos 'yung brown coat ko.

" Hon, diba siya 'yung student mo sa office noon?" Useserong tanong ni pagong, este nung fiance niya pala.

Napatingin ako sa kanya at nag pokerface. Ipabugbug ko kaya 'to ki'na Bob. Huwag nalang sayang sa oras.

" Yes, she's one of my students." Flat na saad ni ma'am sa kanya.

Tumingin ulit si ma'am sa akin bago umiwas ay inikutan niya ako nang mata.  Kinuha niya 'yung bag niya sa fiance niya sabay sabing.

" Dito kana mag dinner." Aya niya dito kaya todo ngiti si kupal.

Sarap burahin nang ngiti niya. Napabaling ako sa sahig nang makita ko'ng kanina pa pala nakahawak 'yung mabalahibo niyang kamay sa bewang ni ma'am. Tangina nagdidilim ang paningin ko.

" Oh siya, pumasok na muna kayo at maghahanda ako nang hapunan." Si nanay Della.

Agad namang gumilid 'yung mga bodyguards ko kasi nakaharang pala sila sa pintuan.

" You can wait for me in the car Bob. I'll be fine here." Sabi ko sa kanila.

Tumingin pa siya sa fiance ni ma'am bago sa akin at tumango. Sumenyas siya sa mga kasama niya at umalis na nang tuluyan. Naiwan kaming tatlo ni ma'am dito sa front porch nila. Tumikhim ako at nag iwas nang tingin sa kanila. Sumasakit yung eyeballs ko sa lalaking nakakapit sa kanya ngayon eh.

" Why don't you go ahead first, I'll talk to her saglit lang."  Sabi niya sa fiance niya.

Ngumiti naman si kumag at hindi pa nakuntinto ay humalik pa sa pisngi ni ma'am! Yawa ang sarap mag wala.  Tumango pa siya sa akin na hindi ko naman ginantihan.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant