Chapter 33

27K 833 277
                                    

Pinarada ko kaagad yung kotse ko nang makauwi na ako sa bahay namin. Ibinigay ko yung susi ko sa maid at agad na pumasok sa loob.

" Dad I'm home!" Sigaw ko at agad na hinanap si daddy sa loob nag bahay.

Nakita ako nang isang maid namin yung dalaga at agad kong tinanong.

" Hey, where's dad?" Sabi ko sabay hawi nang buhok ko.

Nakita ko kung paano siya napalunok bago nagsalita sa akin.

" Ah, n-nasa harden po siya m-miss Kai." Namumulang sambit niya.

Ngumiti ako sa kanya bago ako naglakad parungo sa kitchen. Kumuha muna ako nang tubig bago ko kinapa sa bulsa ko yung gamot na binigay ni ma'am. I smiled bago ko yung ininom at lumagok nang isang basong tubig. Agad akong naglakad  palabas at papuntang harden. Napangiti ako nang maalala ko yung time na nabubuhay pa si mommy. My mom used to love hanging out in her garden at magdadala naman kami nang gitara ni dad at ako namay pumipitas nang tatlong roses para ibigay iyon kay mom.  Matapos naming haranahan si mommy ay maghahabulan naman kaming tatlo sa harden. Napangiti nalang ako habang nag r'reply yung masasayang alaala namin sa utak ko. 

" Hey dad." Nakangiti kong tawag sa kanya .

" Hey bunny." Agad niyang tinaas ang kamay niya sabay kaway sa akin upang lumapit ako sa kanya.

Agad akong yumakap sa gilid niya. He kissed my head at niyakap ako pabalik sa gilid. It feels so good to finally felt my father's love again. Sabay kaming tumingin sa mga bulaklak sa harap namin.

" Karina must've missed her garden so bad." Malungkot na saad ni dad.

Agad naman akong tumingin sa kanya at umiling.

" Hmm I don't think so dad, someone told me today that mom has a very wide garden up there." Tinuro ko yung langit kaya napatingin din si dad at natawa.

Tumawa na rin ako bago binalik gung ulo ko sa balikat niya.

" At sino naman ang someone na 'yan hm? Is it that professor you bought here last night?" Agad nyang sambit at parang tinutudyo ako.

" What? No dad it's not her nuh... Saka bakit naman siya nasali sa usapan natin abir?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

Tumawa naman siya at hinaplos hung ulo ko at hinalikan ulit yung ulo ko.

" Hay naku anak, you can't hide anything from your old man. I can see the adoration in your eyes when you stare at her last night. Teka alam naba ni Ernesto 'yan?" Patuloy niya pa akong tinudyo

" Daddy naman eh!" Napipikon kong sambit at nag pout kaya natawa pa siya nang tuluyan.

Pero kahit napipikon na ako ay hinayaan ko nalang siyang tumawa. Natawa nalang din tuloy ako nung ginulo niya yung buhok ko. It's nice to hear him laugh again. Dati kasi puro nalang sermon at sigawan namin ang umi echo sa bahay namin. Nanatili pa kami sa garden ni mommy hanggag na dumilim na at kaya nag decide na kaming pumasok sa loob nang bahay.

I was laughing hard habang kinukwento sa'kin ni daddy nung time na nililigawan niya pa si mommy.

" It's true Kaia, Chinese yung lolo mo kaya nahirapan talaga ako dahil gusto nila sa Chinese din i kasal yung mommy mo, pero pinaglaban ko talaga siya." Kwento niya pa.

I smiled while looking at him, ngayon ko lang ulit narinig si dad mag kwento sa akin ulit kaya I promised myself that I would treasure every moment I have with my dad.

" Oh siya nga pala anak, I have to attend a ball this coming Saturday at syempre kasama ka. Dahil ipapakilala kita sa lahat nang mga ka business partners kong hindi ka pa nakita in person." Masayang sambit niya.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon