Chapter 8

26.7K 820 236
                                    

Minulat ko ang mga mata ko at agad akong nasilaw sa ilaw sa itaas ko. Napahawak ako sa noo ko at napansin kong may nakatapal sa gilid ng noo ko. Agad namang may humawi sa kurtinang nakatabon sa aking higaan at nakita kong yung nurse yun.

" Okay ka na ba hija?"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ng bahagya yung ulo ko at tiningnan. Nang inilapat niya ang kamay niya doon sa may sugat ko ay napahiyaw ako sa sakit.

" Oh, I'm sorry masakit pa ba?"

Anya at akmang ilalapit na sana niya ang kanyang mukha nang biglang may tumikhim ng malakas sa likod niya, agad umayos ng tayo yung nurse at agad tumingin dito.

" I-Ikaw pala professor Vanessa. I was just checking her wound and she seems fine na."

Anya kay ma'am na ngayon ay seryoso ang mukha at sa akin lang nakatingin.

" Can you leave us for a while?"

Sabi niya sa nurse kaya agad naman itong umalis.

" You seem fine, kaya hindi na kita tatanungin ng how are you at may na una na pala sa akin.
I'm here to say thank you. "

Seryosong saad niya habang nakahalukipkip. Nakatitig lang ako sa kanya at pansin kong salubong ang kilay niya.

" Galit po ba kayo sa akin ma'am?"

Tanong ko dito pero ganun parin yung hitsura niya.

" You think?...."

" Ha?"

Bangag na tanong ko sa kanya ulit. Kasi ano namang konek nung sinabi n'ya. Tumitig lang siya sa akin ng ilang segundo at akmang aalis na. Kaya gumawa ako ng rason para hindi siya umalis agad.

" Ah! A-aray ang sakit...."

Hinawakan ko yung ulo ko at kunwari namimilipit sa sakit kaya agad siyang lumapit at hinawakan yung balikat ko

" What's wrong, saan ang masakit? Wait tatawagin ko ulit yung nurse.."

" No ma'am, hindi ko na po siya kailangan. H-Huwag ka lang pong umalis."

Agad ko siyang pinigilan at hinawakan sa braso. Nakita kong naging concern na yung mukha niya kaya muntik pa akong matawa kaya pumikit ako ng mariin at umarte pa.

" A-Aray ang sakit talaga. Hiissst ma'am payakap po!"

Sabi ko at yayakap na sana ako sa kanya nang pinigilan niya ako at nabigla din siya.

" What!"

" A-Ah aray w-wala po ma'am aray ko."

Tinodo ko pa yung drama ko at nang maramdaman kong hindi siya gumalaw ay pasimple kong ibinuka yung isa kong mata  at nakita ko siyang naka smirk. Kaya ipinikit ko ulit yung mata ko. Teka, bakit siya naka smirk?sa utak ko.

" Nice try Hendrix..."

Sabi niya at tinulak ako ng bahagya kaya napahiga ako sa kama at dun na talaga sumakit yung ulo ko at napahiyaw na.

" Yah!bakit niyo po ako tinulak ma'am?"

Itinukod niya ang mga kamay sa gilid ng kama ko at yumuko malapit sa mukha ko sabay sabi'ng.

" The next time you try to act in front of me, make sure to really convince me hm?"

Tumama yung hininga niya sa mukha ko kaya napapikit ako ng bahagya, pagmulat ko ay naka smirk na naman siya at agad na lumayo at nag lakad.

" Next time you do something like that again, huwag mong ipahamak ang sarili mo Hendrix. Ayaw ko'ng magkaroon ng utang na loob sa iyo."

Sambit niya habang nakatalikod sa akin at bahagyang nakalingon bago niya buksan ang pintuan at lumabas. Narinig ko nalang yung pag sara nun kaya napabuntong hininga ako.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon