Chapter 11

26.5K 792 40
                                    

Sabado ngayon at walang pasok kaya tamang tambay lang ako sa dorm kasama si Irish. She's okay now at bumalik na yung pagkasigla at madaldalin niya. Hiniling ko na lang na sana lagi nalang siyang datnan kasi napaka peaceful ng buhay ko nung mga panahong nakahiga lang siya sa kama at walang ginagawa kundi ang matulog. Ibang-iba sa ngayon at kinukulit niya akong gumala.

" Sigi na kasi beh, promise magugustuhan mo talaga doon. Saka maraming chix! Ayaw mo ba nun?"

Napabuntong hininga ako bago ko siya bigyan ng bored na look.

" Saan ba kasi yan? At kung pupunta man tayo doon, may sasakyan ka ba ha?"

" Eh, hindi na naman kailangan mag commute beh. Promise malapit lang yun dito sa school. "

Nagdududa akong nakatingin sa kanya

" Ikaw huwag mo akong pinaglololoko ah, unang punta ko palang dito sobrang haba ng highway bago ko nakita itong bungad ng school."

Inikutan niya ako ng mata at namewang sa harap ko.

" May alam akong shortcut beh kaya madali lang tayong makakarating dun. Sigi na kasi, mag bihis ka na please?"

Inis kung kinamot ang ulo ko bago ako tamad na tumayo para mag bihis. Sasamahan ko nalang siya kasi alam kong hindi niya at tatantanan sa pangungulit niya.

" Yeeey!"

" Para kang bata, sipain kita d'yan eh."

Inis kong saad bago pumasok sa banyo dala yung tuwalya at mga damit na susuutin ko. 30 minutes bago ako natapos at lumabas sa banyo, agad kong kinuha yung sapatos ko at isinuot. Si Irish ay nakaharap sa study table niya at naglalagay ng powder sa mukha tapos humarap siya sakin.

" How do I look?"

Bored ko lang siyang tiningnan bago nagsalita.

" Mukha kang Bavarian."

Binato niya ako nung takip ng make up niya kaya natawa ako kasi napikon siya.

" Ang pangit mo kausap!"

Tumawa lang ako at tiningnan yung sarili ko sa salamin niya bago umayos ng tayo at hinawi yung buhok ko.

" Bilisan mo na d'yan baka mag bago ang isip ko sigi ka."

Sabi ko kaya naman nagmadali siyang niligpit yung mga gamit niya. Kinuha niya yung maliit na bag niya tapos sinuot yung jacket bago ako hinila. Nasa labas na kami ng school at naglalakad patungo sa kakahuyan. Tumigil ako saglit at nang maramdaman niyang hindi ako nakasunod ay tumigil siya.

" Are you serious about this Irish?"

" Ano ka ba beh, shortcut nga diba? Halika na para mabilis tayong makarating doon."

" What if may mababangis na hayop d'yan?"

" Tanga, walang hayop d'yan at kung meron man, ikaw na yun!"

Tinuro pa ako at tumawa.

" Yah! Huwag kang magpapahuli sa akin at ihahambalos kitang gago ka!"

Hinabol ko siya kaya tumakbo siya patungong kakahuyan. Muntik pa siyang madapa kaya tinigil ko na kakahabol ko sa kanya.

" Oh ano ka ngayon ha?"

Sabi ko nang nasa gilid na niya, nakahawak siya sa tuhod niya at sa dib-dib hinigal amputa.

" Hayop ka talaga.."

Anya habang hinihingal pa. Tumawa ako sa gilid niya. Ilang oras pa ay naglakad na kami ulit, may nakikita na akong mga bagay sa unahan at nang marating namin yung dulo ng kakahuyan ay bumungad sa akin yung syudad.

My Hottest Sin (PROFXSTUD / INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon