Kabanata 15

1.2K 38 9
                                    

Kabanata 15: Code

Halos hindi ako makahinga dahil sa naabutan ko. Gusto kong maglumpisaw sa katatawa nang makita ang kanilang ayos. Pero hindi ko magawa. Siyempre, nasa patay ako. Alangan namang papakahalakhak ko pa edi napaalis ako rito.

"Charm? Who's that fucking boy?! Beside you?!" may diin ang pagkakasabi ni Kaeton sa kabilang linya.

"Dwayne," I answered. Pero napatingin sa akin ang lalaki dahil sa pagtataka.

"Yes?" he confusedly asked. "Why are you calling me?"

I shook my head. "Nothing. Uuwi na pala ako."

"Oh? Hatid na kita? Thirty minutes pa ang byahe sa City, baka mapano ka sa daan. Gabi na, Charm."

I understand his worrying. Alam mo na, medyo may gusto yata siya sa akin dati. At ako bilang isang manhid na babae, hindi ko nilalagyan ng malisya ang paglapit niya noon.

Ayaw kong mabuking kami ni Mommy. Pero nagawa niya, and worst, pinahiya pa kami. At siyempre, alam kong kahit ilang taon na ang lumipas, dala-dala ko pa rin ang kahihiyan na iyon lalo na sa mga nakakita sa amin.

"Kaya ko 'to, may mga kasamahan naman ako."

His brows rose up.

"Who?"

Tinuro ko si Avery na paunti-unting lumalabas ang ngisi sa labi at mukhang nanalo yata!

"Oh? Avery Mendez? Cool," nanliit ang mata niya habang tinititigan si Avery.

Kaagad kong iniba ang aking topic at para na rin hindi malaman ang buong pagkatao nila. Siyempre para makasigurado na rin. Masyadong maraming kalaban dito sa mansiyong ito at sindikato.

Pero nakakabilib lang na. . . kayang kaya masikmuraan ng tatlo na makipagsugalan sa mga kaaway nila?! Hindi ba masama ito?!

I was biting my lower lip the whole time. Nasa kotse na kaming lahat at nagbabyahe pero nananahimik pa rin kami. Si Kaeton ang nag da-drive at ako ang nasa front seat. Nasa back seat naman ang tatlo na hindi alam kung saan lilingon ngayon.

"Really?" Kaeton's sarcastically cursed at them. "Are you fucking stupid?!"

Galit na galit si Kaeton sa kanila. At alam kong kasama na ako ro'n.

"Tangina naman," iritadong aniya sa tatlo pero ang tatlo ay napapahagikhik lang sa likod. "Nakuha pang magsugal imbes na umalis sa lugar, tss."

Avery commented.

"Boss, binawi ko lang pera kong nawawala 'no! Naiwan ko kasi sa loob wallet ko, thankfully, nasa bag ko ang mga ID ko at pera lang ang nawala. At least, mas dumami pera ko-"

Kaeton cut her off.

"Proud ka niyan?" sarkastikong aniya.

Napatingin ako sa salamin at napansin na mabilis naitikom ni Avery ang kaniyang labi. Hindi ako makangisi o makatawa dahil naalala ko na naman ang Victor na iyon. Matagal nang kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

Wala ni isang nagsalita sa amin hanggang sa makalabas kami ng baryo. Nasa City na kami ngayon, nadadaanan ang matataas na mga building. Napatingin ako sa side mirror ng Van na sinasakyan namin. Iyon ang Van na dala ni Kaeton kanina at naroon din ang mga body guards.

Nabanggit ni Chaos na maraming nagbabantay sa amin lalo na sa akin na mga body guards sa paligid na hindi nakikita. Siyempre, sa sobrang tindi ng mga kalaban, kinakailangan na talagang protektahan ang dapat protektahan pero bakit damay ako? What could I have done in their lives when we were the ones who grieved. Since we were harmed before, we are allowed to feel anger and frustration.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now