Kabanata 17

1.3K 43 25
                                    

Kabanata 17: Confession

PALAISIPAN pa rin sa akin ang nalaman kong iyon. Sa totoo lang, gulantang pa rin ako. Pero mahirap mag assume. I still need assurance para malaman kung ako ba talaga ang tinutukoy na Charm doon?

Ang hirap din kasing paniwalaan dahil nagtataka rin ako kung bakit lahat na lamang. Lahat na lang ay alam niya sa buong pagkatao ko? Ang kulay Violet, minions, hobbies ko at iba pa? Paano niyang nalaman iyon lahat?

“Self defense raw muna bago mag asintado ng mga baril! Ang easy kasi. Wala bang mahirap diyan? Iyong tipong mamamatay ako?” joke ni Callum.

“Tanga, kahit hindi ka mamatay, mukha ka na talagang patay!” kilala niyo na ‘to.

“Avery, ganoon talaga, eh. I’m deadly in love with her.”

Napatingin silang dalawa sa akin bigla. Bakit ako ang tinitignan niyo?!

Nakita kong ngumiwi sila at napapailing-iling sa akin. Habang ako ay walang ekspresyon ang mukha at hindi kumikibo kanina pa dahil sa nakakalitong pumapasok sa aking utak.

“Madame, huwag ka mag-alala, mahal ka no’n!” tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

Callum chuckled. “Oo nga! Huwag ka na malungkot, Miss Ma’am. Ikaw lang sa kaniya!”

I pouted. Mas lalo silang humalakhak dahil sa ipinakita kong reaksiyon.

Parang sila ang hinihingi kong assurance, ah? Pero balik ulit sa topic. May alam kaya sila?

Kaninang inabot ko ang damit niya, gusto ko sana’ng itanong ang tungkol doon kay Kaeton pero nahihiya ako! Paano kung hindi sa akin iyon, edi napahiya ako ‘di ba?

Sanay naman na akong mapahiya. Pero huwag naman sanang madalas. 

Ngumiwi ako at nag-ready na. Papasok na ang magtuturo sa amin. Samantalang si Kaeton, bababa mamaya ngunit manonood lang siya. Parang judge kumbaga.

I smirked. May alam ako sa mga basic martial arts. Alam kaya nila? O sa pag asinta ko sa mga baril? May alam sila?

“Maaari na tayong magsimula ngayong araw. Ang una na ‘ting pag-aaralan ay ang spin hook kick kung saan naroon ang mga sumusunod na; fighting stance, spin chamber, extend, pull or hook, retract, and recover. Then quickly return to zero. If not, you can utilize one of the turning kicks as the opponent rushes, or if you're lightweight and can maintain balance with your body, you can perform the so-called double back kicks.”

Ngumiwi ako at medyo naintindihan ang sinabi niya.

“Sir, kicks lang po naintindihan ko, puwedeng with action sana!” si Avery.

“Puwede naman!”

Ngumiti ang nagtuturo sa amin.

“Unang-una sa lahat, prepare yourself for the kick position of your body into a balanced fighting stance at iyon na, maghahanda ka nang umatake sa kalaban. Kasunod ng spin champer, ito ay ang pag-ikot ng inyong katawan, You will start to lean back as you lift your kicking leg up and bend it at the knees by at least 90 degrees throughout your spin, causing the fear leg to go behind the front leg.”

Sabay-sabay kaming tumango.

“Moreover, the lengthen. Use your judgment as you spin to rapidly prolong the kicking leg so that the rear of your heel falls in the target's section but just in front of it,” aniya at nag-example sa amin kung paano iyon ginawa.

Sabay-sabay kaming nagpatuloy umikot at bahagyang itinaas ang hita sa hangin at naka straight iyon. Mahirap iyon lalo na kung hindi mo kayang i-balance ang iyong katawan. Pero dahil sa mapayat lang ako at magaan ang katawan, walang pawis ko iyong ginawa.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now