Kabanata 24

172 5 0
                                    

Kabanata 24: Blood

Charm? Charm Leandra. . . is this fucking a joke?!

Pumikit ako nang mariin at tumagilid sa higaan. Alas kuwatro ng madaling araw na pero kanina ko pa iniisip ang nalaman ko na ‘yon.

Nakuha na namin si Leandra, nasa puder na naman siya at naroon sa guest room. Mahimbing na ang tulog. Lahat ng mga kasamahan ko paniguradong tulog na tulog na at ako na lamang ang natitirang gising dito.

Seriously, hindi ako makapag-isip nang maayos. Ang dami-daming pumapasok sa utak ko at kung ano-ano ang mga maling naiisip. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na pareho kaming Charm ang pangalan.

So suspicious. Those Kaeton’s wordings from before smells suspicious.

"I have ever love you since then, until now. Charm."

"You are mine, matagal na panahon na, Charm."

Ako ba talaga ang minahal ni Kaeton na matagal na panahon na, o ibang tao ang tinutukoy niya. O ibang Charm iyon? O baka hindi ako. . . baka iba.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin dati na infatuation lang ang nararamdaman niya at ang tunay niyang minahal dati ay ang ex-girlfriend niya kaya paanong ako ang mahal niya noon?

Pero damn! Ang hirap pigilan ng sarili kong hindi mag-isip lalo na’t nagkaroon pa ako ng bagong iisipin!

Nagising ako bigla nang may maramdaman akong lumubog sa tabi ng kama ko. Dumilat ako at tumingin doon. Mabilis akong napabalikwas ng kama nang mapagtantong si Leandra ang tumabi sa akin.

Malawak ang kaniyang ngiti at saka ako binati gamit ang malambing niyang boses.

“Good morning, Charm!”

Para akong musmos na bata habang kumukurap-kurap at nilalabanan ang antok ko. Kaka dilat lang ng mata ko at wala pa ako sa wisyo makipag-usap pero dahil maganda ang mood ng bumati sa akin at ayaw ko iyong mapasama ay binati ko na rin siya.

Baka isipin niya na masama ang ugali ko kahit totoong masama naman talaga. Pero dapat ‘wag niyang isipin.

“Morning. Leandra.”

“Naabala ko ba ang mahimbing mong pagtulog?”

“Hindi naman,” oo!

“Hmm. I made a breakfast for you!”

“Ah. . . thank you!”

Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi ngumiwi. Seryosong nilutuan niya ako ng ganoon? So sweet! Kaya naman pala maraming nahuhulog sa kaniya, ang bait naman pala.

E, ako? Hindi na nga marunong magluto, masama pa ang ugali!

Ano naman ngayon? Maganda pa rin!

Inanyayahan niya akong bumaba para kumain. Naabutan ko ang apat sa lamesa na naghahanda na ng mga agahan. Oo nga pala, napuyat ako kagabi dahil sa mga kung ano-anong iniisip ko. Mahimbing tulog nila kaya good mood.

“Good morning, madame!“

“Good morning, miss ma’am!“

“Hi, Charm.”

Nangunot ang noo ko kay Chaos. Sinuri ko siya at pinakatitigan nang maayos. Nakasuot siya ng itim na damit, binati niya lang ako saglit ngunit iniwas din ang kaniyang tingin at pagkatapos no’n ay tuloy-tuloy na siyang nag-ayos ng mga platito.

Seryoso ang kaniyang mukha at fresh na fresh na animoy galing sa pagligo. Hindi namamawis at malamang sa malamang, mabango. Malinis na tignan at guwapo. Maamo ang kaniyang mukha na kahit ang mga bakla ay mapapalapit sa isang tingin.

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now