PROLOGUE

12.7K 332 50
                                    

PROLOGUE

Filantropi Agnes Masimsim's

"Laya ka na, Masimsim..."

Ngumisi ako at inilahad ang aking kamay para kuhanin ang ilang kagamitan kong pinangalagaan ng mga ito.

"Magbagong - buhay ka na, 'wag ka nang babalik dito sa loob. Naiintindihan mo ba?" saad ng babaeng officer.

Tumango ako ng nakakaloko.

Isa lang naman ang sigurado, sa susunod na gumawa ako ng krimen, hinding - hindi nila ako mahuhuli pang muli. Nagpalamig lang ako sa loob habang mainit pa ang ulo sa akin ng ibang grupo. It was an escape plan.

Nangangati na ang kamay kong sindihan ang sigarilyong hawak niya.

Muling bumuka ang kanyang bibig, imbes na marinig ko ang sasabihin ng babae, isang malakas na pagsabog ang bumulabog sa kabuuan ng lugar.

Bomba iyon.

Maybe not.

The ground shook a bit and debris fell everywhere. Sumunod kong narinig ang pagsigaw ng mga tao sa loob.

Mabilis kong dinampot ang gamit ko, rumesponde naman agad si Marina, ang officer na kumausap sa akin, sa pinangyarihan ng pagsabog. Agad akong nagsindi ng sigarilyo. Hindi na ako nakiisyuso pa sa kaganapan.

I'm not involved, not my problem and I don't care.

I checked my wallet. Tangina. Aanhin ko ang isang daang piso?

Wala na akong desenteng mabibili sa ganito kaliit na pera sa panahon ngayon.

Nag-inat ako ng kamay. 'Di bale, kaya ko namang palaguin ang isang daan. I can make it probably thousands more.

Nagkakagulo na sa paligid ko. Some were already evacuating to a safer place. Hindi man lang ako nakaramdam ng panic sa katawan. Naninigarilyo kong nilisan ang correctional. When I looked back, I could see smokes billowing above.

Did someone try to burn it down? I shook my head and left the vicinity. Lumabas ako sa nagliliyab na kulungan.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humarang na mga sasakyan sa aking dinaraanan. I heaved a deep sigh and was readying myself to fight. They cornered me in the middle. Mukhang ako ang sadya ng mga taong nagpasabog sa correctional.

Mula sa mamahaling kotse, umibis ang ilang kalalakihang nakasuot ng pormal na tuxedo.

Men in black.

"The Panther wants to see you..."

Panther?

Tumaas ang kilay ko at nagpausok ng sigarilyo. "So, you blew up the prison for him to see me?"

That stupid asshole is one of the reasons why I chose to turn myself in prison. Ilang taon din niya akong hindi nahanap. Well, it wasn't like my life was great in the cell, but manageable.

Nagkatinginan silang lahat. "We thought you're still in there." The man in black told me. "You have to come with us."

Umirap ako sa ere. Binuksan nila ang pinto ng sasakyan. I dragged myself towards the car.

Wala akong tiyansang makatakas sa dami ng ipinadalang tauhan ni Gotham. No, p'wede naman akong makalayo kung mag-aaksaya ako ng lakas. As they say, choose battles wisely, I don't want to waste my energy on them.

Sumakay ako ng magarang kotse. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ko ang aking mata. It was nice to reward myself a soft chair for my back pains the past two years. Na-miss ko rin ang outside world.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora