2. Wrong One

7.2K 272 25
                                    

CHAPTER TWO

Ninerbiyos ako nitong nagdaang araw, mas lalong dumadalas ang paninikip ng kanyang dibdib at nahihirapan sa paghinga. Agad kong dinala si Russle sa doctor... ganoon pa rin. Kailangan ko pang mag-ipon para sa kanyang operasyon.

The heart specialist told me one time it could be several surgeries with the severity of my brother's heart defects. Naaawa na ako sa kapatid ko. Sometimes, I felt he was trying not to show me his pain. Para lang hindi ako mag-alala.

Bakit kasi kung sino pang mahirap siya pa itong mas papahirapin sa iba't ibang uri ng sakit? I don't get life's logic.

Hinalikan ko ang kanyang noo ng paulit - ulit habang nakaunan siya sa aking balikat. Hinayaan ko siyang maging komportable sa mga bisig ko. Nanatili siya sa ganoong puwesto hanggang tuluyan siyang makatulog.

I stayed up all night to cater his needs. Hindi ko magawang ipikit ang aking mata. Pinagmasdan ko siya hanggang mag-umaga.

"Ate, natulog ka ba? Good morning!" a sweet voice greeted me. "Ang laki ng eyebags mo..."

Tumawa ako, pinisil ko ang kanyang pisngi. "Natulog naman si ate... ganoon lang talaga ang eyebags, hindi na iyon matatanggal. Masarap ba ang tulog mo? May masakit ba sa'yo?"

Umigi siya ng tayo bago umiling. "Hindi na naman masakit... konti lang kagabi." He pouted, and kissed me on the cheeks.

Minsan hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya. There were times he would deny to make me feel better. Hindi naman iyon nakakabuti sa akin. Gusto kong malaman ang totoong estado.

"Babalik tayo sa doctor," sinabi ko.

Sumimangot naman siya. "Ayoko na bumalik doon... ayoko nang gamot, ate."

"Hindi p'wede. Paano ka gagaling n'yan? Kailangan mo iyong gamot... 'di ba good boy ang Russle ni ate?" I caressed his face.

He was fed up with medicines, I know. Simula pa lang naman noong maliit siya, may maintenance na para sa kanyang sakit. Ipinaglapat ko ang aming noo.

"Alam kong napapagod ka na sa setup na ganito, mahal. Ang daming bawal... ang daming gamot... pero kailangan. Darating ang oras na gagaling ikaw. Kapag dumating ang oras na iyon, hindi na pagbabawalan at hihigpitan ni ate." Pinisil ko ang kanyang pisngi.

I sighed. "Ipagdadamot muna kita sa mundo... pasensya na bunso."

Nakanguso pa rin siya kasabay ng mahinang pagtango. "Sige na nga, dahil love kita..."

Matagal kong idinampi ang labi ko sa kanyang noo. "Mas mahal kita..." I reminded him.

"Hindi naman kompetensya ang pagmamahal, ate..." His small hand travelled to my face. "Hindi ka nagpapatalo, lagi na lang ikaw ang lamang," may halong inis ang tono ng kanyang boses.

Humalakhak naman ako. "Totoo naman ang sinsabi ko, mas mahal kita palagi." Hinalikan ko ang tungki ng kanyang ilong.

He hugged me again with small laughter and stayed in that position for a little while. Nang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Russle, inaya ko siyang gawin ang breathing exercise. He gladly obliged.

Tumungo naman ako sa kusina upang ipagluto siya ng agahan matapos ang kanyang breathing exercise. I made him an omelet out of egg whites with vegetable fillings. Paborito niya iyong pagkain.

Kagaya ng dati, kailangan ko siyang iwan sa aming landlady sa oras ng trabaho. Pinaalalahanan ko naman si aling Cynthia na kung sakaling hindi maganda ang pakiramdam ni Russle ay agad akong tawagan.

"Mag-iingat ka, Agnes..."

I nodded my head. "Salamat po, aling Cynthia. Kayo muna ang bahala kay Russle."

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now