20. Triggers and Reminders

5.4K 252 66
                                    

CHAPTER TWENTY

There are three kids inside the unit.

By the looks of it, they are Voight's friends. Hindi ko alam kung sino ang kasama ng mga bata, mukhang wala silang supervision ng matanda.

Kanina pa sila tingin nang tingin sa gawi ko. I could tell one of the kids wanted to talk to me, but she was holding her tongue. She was still trying to observe me. Bumubulong pa siya kay Voight.

Halata namang ako ang pinag-uusapan ng mga bata. Hindi ko sila pinansin, tumungo ako sa kuwarto upang kuhanin ang phone na iniwan ni Gotham. He was doing something. Sa sunod na linggo, hindi na siya magiging abala pa.

I called a pizza delivery for the kids, I ordered bunch of different flavors.

Muli akong lumabas upang bantayan ang mga ito habang naglalaro. I just stayed at the living room with them without looking at what they were doing, but I was alert. Ramdam ko ang paninitig nila sa akin at bulungan.

Hindi na nakatiis ang isang lumapit sa akin. She eyed me from head to toe.

"Sino ka baga? Ikaw baga ngani ang mama ni Voight?" The little girl asked me. Iyong tono ng pananalita niya parang naghahamon ng away. Napailing ako.

I shook my head. "Ya! Ano na 'yan, hindi ka man nagasalita, paano kita maga-usap nito? Gusto ka naming interbyuhin ay..." Kunot na kunot ang noo ng bata nang humarap ako rito.

Napatingin ako sa gawi niya. Her accent reminded me of the people in Polillo island where Russle and I stayed for awhile before he got taken away from me. She reminded me of that past.

"Ayokong makipag-usap," sinabi ko sa bata.

"Hindi man kita inatanong kung gusto mo ay," Inirapan niya ako. "Gusto ka laang ngani naming makilala, sabi ni Voight asawa mo raw si Burarat."

I was a bit caught off guard. Hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi niya.

Burarat?

Burat lang ang alam ko. "Anong pangalan mo ngani?" she asked me.

Huminga ako nang malalim. "Filantropi Agnes."

"Masagot din naman pala ay," Naupo siya sa harapan ko.

Hindi ko namalayang napapalibutan na ako ng mga bata. Kilala ko na ang lider ng kulto. She was called Badiday. Wala akong ideya kung dapat ba akong matawa sa palayaw ng bata.

She was a bubbly kid with a thick of sarcasm in her personality.

The other kids were Vikray and Bebang. Anak - anakan daw sila ng mga Alphas.

Para siyang matanda kung makipag-usap... hindi siya nadadala sa pagtataray. It would just backfire. Hindi siya madaling masindak, paniguradong kaya niyang magpaiyak.

"Kailan baga kayo nagpakasal?" tanong pa niya.

"Matagal na..." I just simply answered.

Daig pa nila ang mapagmatyag na mata ng agila, nakatutok sila sa bawat galaw ko. Nakapalibot din sila sa akin upang hindi ako makaalis. These kids could become feared journalists in the future.

"Ay, matagal mana pala, bakit hindi mo kasama si Burarat?"

My forehead creased.

Kanina ko pa naririnig ang salitang iyon. "Burarat?"

"'Yong isda man ngani 'yon, tawag namin kay ano... hirap man banggitin ng pangalan niya ay!" The second kid answered me.

Tumango ako.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu