27. Mommy!

6.7K 297 35
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"Ayos na ba sa'yo ang haba?" I asked Voight.

He asked me to cut his hair after taking a shower.

Medyo mahaba na rin ang kanyang buhok kaya pinagbigyan ko na iyong i-trim, bahagyang sagabal daw sa kanyang mata.

Tumango siya bilang sagot.

Sinuklay ko iyon ng ilang beses at pinatuyo gamit ang blow dryer. Sa amin niya lang yata ipinahawak ang kanyang buhok.

"Wow, ang pogi naman ni Botbot!" Kiniliti ko ang kanyang tagiliran.

Tumawa naman siya nang tumawa. "I'm more h-handsome than daddy, Fili!" saad pa niya.

Napangiti na lang ako.

Hindi yata iyon p'wede dahil magkamukhang - magkamukha ang dalawa. He's such a mini version of his father. Siya iyong p'wedeng ibulsa, pero kapag ibinulsa nangangagat.

Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi. Paulit - ulit ko siyang hinalikan sa noo at kiniliti ko siya. Bungisngis lang ni Voight ang narinig ko sa buong kuwarto. Kuhang - kuha niya ang aking loob.

Masaya akong naging parte ng buhay niya. Kung sakaling nanatili kami noon ni Russle, anong bond kaya ang nabuo namin? Maybe, I was still aloof with him. He would be resenting me.

Lumabas naman ng shower si Gotham.

Halos basa pa ang kanyang buhok, may pagtulo pa iyon sa kanyang balikat, tanging boxer shorts lang ang kanyang suot. Ipinarada na naman niya ang kanyang katawan.

"I'm next," saad niyang may ngisi.

Umupo siya sa inupuan ni Voight kanina. Sumimangot naman ang maliit na bata. Yumakap siya sa aking hita habang sinusuklayan ko ang buhok ni Gotham at tinutuyo ng bahagya gamit ang malinis na tuwalya.

Napailing ako.

They really trusted me with their hair. Paano pala kung nagupit ko ang lahat ng kanilang buhok?

"Okay na ba ang ganyan? Konti lang ang pinutol ko sa buhok mo." He nodded.

Niligpit ko muna ang mga buhok na ginupit bago ako nag-blow dry ng kanyang buhok. Mas naging maaliwalas ang kanyang awra nang umiksi ng bahagya ang buhok niya.

Pogi. Masyadong pogi.

"All done, magdamit ka na, baka magkahangin pa ang utak mo." Inirapan ko siya.

Voight tugged the hem of my shirt. Binuhat ko naman siya.

"Fili, who's more h-handsome?" tanong niya sa aking muli.

"Para kayong pinagbiyak na bunga, Botbot. You're your daddy's little twin." I told him. "Kaya pareho kayong g'wapo na dalawa."

Gotham was smirking. Mukhang hindi naman iyon matanggap ng kanyang anak.

"I don't w-want to be daddy's twin! I w-want to be your twin!" Ngumuso siya.

Natawa naman ako sa narinig.

I kissed his cheek to compensate. Imposible namang mangyari ang kagustuhan niya. Hindi ako p'wedeng maging look-a-like niya, hindi naman ako kasama noong ginawa siya ni Gotham at Celeste.

Ni hindi ako apektado sa isiping mayroong naging ibang babae si Gotham noon kagaya ng dati. If there was one thing Celeste had done right, it was Voight Garrison Arkinson.

I was honored that he wanted to look like me. Gusto niya talagang ipilit ang kagustuhang maging kamukha ko. Nakatitig lang sa aming dalawa si Gotham na may ngiti. He was also laughing at his son's request.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ