6. White Dress

6.5K 289 44
                                    

CHAPTER SIX

Hindi ko mawari ang babaeng kaharap ko sa salamin.

Those eyes were mine, but they were strangely beautiful with make up done. I was amazed with how my reflection looked in the mirror. I looked so polished and womanly.

Parang hindi ako.

I stood. Muntikan pa akong matumba sa suot kong high heels. It was so uncomfortable to wear. Nasugat ang aking paa noong unang beses kong sinubukang suotin ang heels.

Mukha raw akong barumbado kung maglakad gamit ang heels komento ng kapatid ko sa harap ni Gotham. Iyon yata ang unang beses kong nakaramdam ng hiya. That embarrassment translated for sure, Gotham offered to buy me rubber shoes instead.

Isa rin namang tanga, pupuwede ba naman iyon sa dress kong suot? Halos iluwa na nga ang dibdib ko, maiksi rin ito kaya kitang - kita ang pang-ibaba ko.

Hindi kalakihan ang aking hinaharap pero sa klase ng tela ng damit, hubog na hubog ang katawan ko't dibdib tapos sapatos na de medyas ang balak niyang ipasuot sa akin? I am no fashion icon, but that would be horrible I can tell.

Ilang katok ang narinig ko sa pintuan, sinundan pa iyon ng mahinang boses ng kapatid ko.

"Ate... tapos ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ni kuya bayaw ko. Baka nilamon ka nang salamin." Nasundan iyon ng hagikhik.

Muli akong sumulyap sa salamin. Pinasadahan kong ang aking kabuuan. Naninibago pa rin ako sa naturang ayos. It was new to me, but it wasn't bad. Minsan lang ako naging mukhang tao.

"Ate ko..."

"Sandali lang, bunso. Palabas na."

I took a deep sigh before I reached the door and opened it with courage. Bumungad sa akin Russle na buhat ni Gotham. He was wearing a mini tuxedo as well. Magkapareho ang kanilang suot.

"Wow!" Ang kapatid ko ang unang nakabawi sa pagkabigla. "Iyong puso ko ate, parang tumigil sa ganda mo."

Sumimangot ako. "Russle..." I warned.

Hindi ko gusto tuwing nagbibiro siya ng ganoong bagay. It will never be funny to me.

Nang dumako ang tingin ko kay Gotham, titig na titig siya sa gawi ko. I couldn't fathom the expression on his face, I had no idea what he was thinking. Do I look hideous to him? Why does it sound I want to impress that fucker?

Eh, ano naman? Wala dapat akong pakialam sa opinyon niya. He should be thankful I tried my hardest to be presentable in front of the guests of that party. Ni wala akong alam sa okasyon ng mga mayayaman.

"What?" iritado kong usal.

"Ang ganda ganda mo, ate. Hindi nga makapagsalita si kuya bayaw sa ganda mo." Russle said teasingly. "Marunong ka na bang maglakad ng hindi barumbado?"

Imbes na mainis sa pang-aasar ng kapatid ko, hindi ko magawa sa laki ng ngiting nakapaskil sa labi niya. Kids are appreciative... and brutally honest.

Maraming beses kong pri-nactice ang pagsusuot ng may takong hanggang medyo masanay ang aking paa. Aminado naman akong hindi ko iyon basta - basta mape-perpekto ng kaunting oras, but I was able to walk without falling that much.

"Ano? Pupunta na ba tayo?" Pinagtaasan ko ng kilay si Gotham.

"Pasalubong!" sabat ng kapatid ko.

I just smiled. Tuwing may pinupuntahan akong pagtitipon, ipinagbabalot ko siya ng p'wede niyang makain. Hindi naman madalas, minsan gatecrash lang ang mga dinaluhan ko. Sigurado naman akong hindi ginagawa ng mayayaman ang pa-take out sa mga event.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now