3. His Eyes Around

6.9K 299 32
                                    

CHAPTER THREE

Ilang beses kong tiningnan ang hawak kong card mula sa talipandas na lalaking nagngangalang Gotham. Pangalan pa lang nito halata ng hitik sa pera ang binata. I should've thrown his card away, but instead, I kept looking at it.

He has something I need the most. And that is a proper healthcare for my brother.

Gotham is a dangerous man. If I want to associate myself with him, I need to play my cards right. Hindi ako p'wedeng makampante. I know what kind of man he truly is. Mas delikado siya kaysa sa miyembro ng gang.

"Ang ate ko... may boyfriend na, yie!" Russle was teasing me once again.

Simula pa noong isang araw, hindi na ako tinigilan ng kapatid ko. He was just too happy. Palagi kong nakikita ang ngiti sa labi habang tinutukso ako. Walang araw na lumipas na hindi niya nababanggit ang lalaking iyon, bukambibig siya ni Russle.

Tuwang - tuwa ang kapatid ko sa mga laruang galing mula sa lalaki. Kahit saan siya magpunta, dala niya ang mga bigay nito. He liked the rubik's cube and different puzzles so much.

Pinagmasdan ko siya. Malalim na ang tulog ng kapatid ko. His heartbeats were fine. Hindi pa ako dinadalaw ng antok simula kanina.

I stretched my hands upward. Napasulyap ako sa card na nasa ibabaw ng mesa, napailing ako.

Tumayo ako at kumuha ng tuwalya. Siguro ligo lang ang kailangan ko para ipanatag ang aking kalooban.

Tumungo ako sa banyo, sinubukan kong hindi makagawa ng ingay. I don't want my brother to wake up in the middle of the night. It was a quick shower to freshen up myself.

Nang matapos ako, agad din akong lumabas ng banyo at nagtungo sa cabinet. Tanging tuwalya lang ang tumatahob sa hubad kong katawan. I was confident my brother was already asleep.

I picked a comfortable shirt and pajama.

Kinagat ko ang aking labi, pakiramdam ko'y may nakamasid sa aking bawat galaw. Imposible. All doors and windows were locked. Ipinikit ko ang aking mata. I was being hunted by the big syndicates I fought against for a good amount of money.

Dumako ang paningin ko sa malaking stuffed toy katabi ng kapatid ko sa pagtulog. I stared at it long enough to draw my own conclusions. I went near the bed. Marahan kong kinuha ang best friend 'kuno' ni Russle.

Kinapa ko ang laruan habang titig na titig sa mga mata nito. I touched the camera installed in its eye.

I grabbed my phone and dialed a number. Lumabas ako ng kwarto. Sinalubong ang aking katawan ng malamig na hangin mula sa maliit na espasyo ng balkonahe.

After three rings, the call was answered.

"What?" He asked huskily on the other line. "Missed me?"

"Pakyu kang ulol kang manyak! Akala mo ba mauutakan mo ako sa paglalagay mo ng camera?" I was hissing under my breath. Hininaan ko ang aking boses, hindi iyon kailangang marinig ng kapatid ko.

Bahagya pa akong hiningal sa sunod - sunod kong sinabi.

I heard a chuckle on the other line. "Took you so long, huh?" His tone was mocking.

Mas lalong uminit ang dugo ko. Where did he get his audacity to taunt me?

"Come on, be thankful, Filantropi. If something happens to your brother, he is being monitored. Help could be sent easily to your place..." mahinahon niyang saad.

Lumambot naman ang galit ko... one thing that could melt my heart is how others treat my brother. Wala akong pakialam kung i-trato nila akong hindi tama, basta hindi ang kapatid ko.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin