9. That Side of Him No One has Seen

7K 241 14
                                    

CHAPTER NINE

Parang dati lang nasa kalsada ako, naghahanap ng magiging biktima. I had to do it for my brother's operation.

Less fortunate meant less opportunities.

Hindi mabubuhay ang kapatid ko sa matinong trabaho.

Nagbunga naman iyon. Gumaling si Russle sa tulong ni Gotham. If I weren't in that path, I wouldn't meet my husband... Kinagat ko ang labi ko.

Why does that sound I'm happy meeting him? Why does that sound it's destiny that pull us from the beginning? Tangina naman, nahihibang na yata ako.

Muli kong pinirmi ang aking mata sa harap ng salamin. I was seeing my own reflection wearing a decent blouse and black skirt. Mukha akong... mukha akong mamahalin at may pinag-aralan.

But that outfit wouldn't hide the stains of my character. Pero sadyang nakakamangha kung gaano kadaling itago ang baho kapag mayroong pera. It was easy for the privilege to act high and mighty.

Ito ang unang araw ko sa trabahong ibinigay ni Gotham. Hindi ako sanay ng walang ginagawa at maghintay sa maraming sulok ng mansyon. My body was craving for something to do now that I'm assured nothing's going to happen to my brother while I'm gone for work.

Russle's well taken care of... siya pa itong hinihimok akong bumalik na sa dati kong trabaho, baka raw masisante ako. Kung alam lang niya.

"You're making me regret I let you work for me," his baritone voice pounded the whole room.

I eyed him sideways. Pinagtaasan ko siya ng kilay. I didn't take his words lightly.

"Anong ibig mong sabihin? What does that mean?" I was clearly annoyed.

"You're too hot," he licked his lip. "I'm short-tempered, I may not handle that hotness well while you are inside my office."

Pumalibot ang kanyang bisig sa aking baywang. His minty breath was giving me sensation. Mainit - init iyon sa batok ko. There was no point of pushing Gotham away. Mas lalo itong naniniksik.

I felt his lips tracing my neck. Nanunukso. Nanlalambot naman ako.

His kisses have that effect, they weaken my defenses. His touch was comforting and giving me tingles. Hindi ko inaamin iyon sa kanya, sigurado akong lulubo sa laki ang ulo ni Gotham sa oras na malaman niyang may ganoon siyang epekto sa akin.

Inirapan ko siya sa repleksyon ng salamin. "Kung makadikit ka, para kang tuko."

His brows furrowed. "What's tuko?" confused niyang tanong.

I just shook my head. Hindi ko naman alam kung anong english ng tuko. Medyo pamilyar pero hindi ko matandaan. Basta, kapamilya siya ng mga butiki.

He poked my cheek.

"I'm asking a question, Fili."

"Hindi ko alam, limitado lang naman ang english ko. Hayop 'yon na mahilig dumikit, parang ikaw," sagot ko sa kanya. "Hindi pa ba tayo mahuhuli sa trabaho? Sabagay, ikaw naman ang boss ko. Siguro kahit hindi na ako pumasok susuweldo pa rin ako."

Ngumisi ako nang mapang-asar.

"Grab your things, and we'll go," utos niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko sundin ang sinabi niya. Hindi ako sigurado kung magandang ideyang magtrabaho sa kanya dahil wala akong magawa sa buhay, mabilis akong mairita sa mga palautos.

Kaya nga tumiwalag ako sa grupo nina Bernabe. Bukod kay Russle, ayoko rin ng boss na dapat kong sundin, sambahin at pinapangunahan ako sa diskarte ko sa buhay. And Bernabe was abusive. Good thing, he was gone.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon