25. Baby Tarsier and the Guards

6.7K 248 29
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Lumipat kami sa mansyon mula sa penthouse kagaya nang napag-usapan noong nakaraan. Voight's getting big, and he's needing more space. Malaki naman ang penthouse pero wala iyong binatbat sa dati naming mansyon.

Isa pa, kung sakaling bumalik si Celeste, wala na siyang madadatnan pa sa penthouse.

Alam kong sa pagbalik namin sa mansyon, ganoon din ang mga alaala ng nakaraan.

The penthouse can be used for leisure... mainly for our sexcapades.

Isang truck ang humakot ng mga laruan ni Voight patungo sa mansyon. He seemed to be excited going back to the mansion. Sumakay naman kaming dalawa sa kotseng maneho ng kanyang ama.

"Are you ready?" Gotham asked us both.

"Yes, daddy!" Voight screamed his lungs out.

Tumawa naman kami pareho. "Are you comfortable there?" tanong ko sa batang makulit.

He nodded.

Pinasibad naman ni Gotham ang sasakyan. His one hand was on the wheel, the other hand was seeking refuge with mine. Alam kong ramdam niya ang bigat ng pakiramdam ko.

Tumapat ang kotse sa mansyon, pinagmasdan ko iyon mula sa bintana. It was still the same as it was before. It was maintained the same way. Marahang pumasok ang kotse sa malawak na garahe ng mansyon.

Bumaba si Gotham para pagbuksan kaming dalawa ng kanyang anak.

Bahagya akong pumikit upang kalmahin ang aking sarili. I never thought I would step foot in this mansion again. Wala na akong balak bumalik sa buhay nina Gotham, pero kusa niya akong hinanap.

"Fili... are you sleeping?" A small hand reached my cheek. Malambing ang boses niya.

Nagmulat naman ako ng mata, bumungad sa akin ang naghihintay na si Voight. He waited for me to get out of the car. Nakaabang din si Gotham. His eyes were asking me a question, I just nodded at him.

Binuhat ko naman si Voight, sabay na kaming tatlong pumasok ng main door. Huminga ako nang malalim. Walang pinagbago ang kabuuan ng mansyon.

Bumaba naman sa pagkakarga sa akin si Voight, tumakbo siya sa iba't ibang sulok ng mansyon. He was in awe how enormous our new place is.

It wasn't exactly a new place, he already resided here before. Sigurado akong may ilan siyang alaala sa lugar kagaya ng memorya niya sa kapatid ko.

"Are you sure you're okay with this set up?" Gotham asked me. "We can always find another place."

"It's fine. I have to face my scars whether I like it or not..." malaman kong turan.

Lumapit siya, humawak ang kanyang kamay sa aking baywang. He kissed both my eyelids. Napapikit naman ako. The only comfort I have is being with Gotham... I'm letting myself be dependent of him.

Just like before.

Ni hindi nawala ang nararamdaman ko sa kanya, natabunan lang ito ng iba't ibang emosyon na pumaloob sa akin sa ilang taon. I had to survive on my own, it didn't become my priority.

Hindi nawala, nanatili lang nakatago.

Voight emerged out of nowhere. Basa na siya ng pawis sa pagtakbo. Sigurado akong ubos ang enerhiya ni Voight sa pag-akyat panaog pa lamang. He told us what he was excited about.

"Look, Fili and daddy, I found something..." May kinuha siya sa bulsa ng shorts niya.

It was a tiny baby toy Russle used to hide for us to find. My heart skipped a bit with the sudden memory of my brother. Humiwalay ako kay Gotham, yumuko ako upang pumantay kay Voight.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now