EPILOGUE

31 0 0
                                    

The last part of my story

Saya. Sayang akala ko kapag nagawa ko ang lahat sa iba masaya. Ako na panay walang nagawa kundi tratuhing masama ang kapwa at sumbatan sila. Siguro dun lang ako masaya. Oo gumawa ng masama. Magulang ko na tuloy lang sa pagtrabaho. Minsan nakakalimutan na ako, kaya itinuon ko ang sarili sa iba. Sa iba na na akoy masaya.

Noong una akala ko duon na lang ang saya. Iba pala kapag nakaramdam kana, na parang iba na. Iba na ang nadarama. Kapag nakikita ka. Dati oo naiinis, nagagalit, may poot sa dibdib. Ngunit nung malaman ang tunay. Ang tunay na ikaw. Nabago na lamang bigla ang aking pananaw. Pananaw na nakatuon upang makagawa ng masama sa iba. Ngunit nung dumating ka ang pananaw ko'y nakulayan ng pula. Iba na pala ang nadarama dahil oo mahal na kita.

Nagsimula sa galit at pagkainis dahil sa ginawa mong kasing tulis ng lapis. Oo ang sakit kaya ang ganti'y nabuo sa aking dibdib at pinilit upang makasakit nang sa ganun ika'y mapaalis.

Ginawa ko ang lahat ngunit wala pa rin. Matibay ka nga hindi nagpadaig. Hanggang ang galit ay naging tamis. Kasing tamis ng asukal na pula na nakalagay sa bote na kulay pula. Oo napamahal na. Ang dating masama nawala na ng parang bula.

Nabago. Iyong binago. Ang ugali ko na akala ko'y ako. Pero hindi pala dahil nakaya mo na baguhin ang isang tulad ko. Ang dating ako napalitan ng tunay na ako.

Hangang sa naging tayo. Na akala ko'y imposible sa isang tulad ko. Wala akong alam sa pag-ibig. Wala akong alam sa pagmamahal. Ang alam ko lang ay ang manakit. Masaya pala na magmahal ng iba. Masaya pala na mahalin ka ng iba. Ang saya pala kapag sigurado ko na may magmamahal sayo ng buong-buo. Na kaya kang ipaglaban, kahit minsan ay nakakaramdam na nang kapaguran.

Madaming humadlang sa ating pagmamahal. Na ating nakayanan. Ilang beses tayong sumuko at nasaktan, pero sa huli'y tayo padin naman. Ngunit dumating ang oras. Ang bulong ng hangin, ang akala ko'y ang sinisigaw ay tayo magpakailanman ngunit hindi pala. Dahil ang unos ay dumating na. Ang tunay na hadlang. Na mahirap labanan. Ang sakit na nagdulot ng iyong kamatayan.

Third person's POV

Galit na galit si Isadora kay Lucio ng malaman nya ang nangyari sa kanila ni Celly.

"Walang hiya ka. Ano naman ang sasabihin ng iba sa atin huh. My god! Lucio. Nangako ka na ako lang tapos malalaman ko lang na nabuntis mo yung babae na yun. Celly is my friend Lucio. Oo hirap akong magbuntis dahil sa sakit ko. Pero hindi ibig sabihin nun. Gagawin mo ito sa akin. Ako padin ang asawa mo Lucio. Ako lang. Kaya't kahit anong gawin mo. Samahan mo man yang kabit mo sa mata ng marami. Ako parin ang asawa mo. "

Sabay pasok ni Isadora sa kwarto. Dumating ang araw at si Isadora padin ang pinili ni Lucio. Hanggang sa.

"Ma'am, may bata po sa labas." sigaw ng yaya nila matapos makita ang bata na umiiyak sa labas.

"O my god. Sino naman ang nag-iwan ng bata dito." Anya Isadora

"Sir, ma'am, hulog ito ng langit. Siguro binigay yan sayo upang magkaroon kang anak na mag-aalaga sayo."

"Tama ka yaya. Dininig ng dyos ang panalangin ko sa kanya. Baby, don't cry, huh. Don't worry, I'll take care of you like my own daughter. Wait, let's think first of your name, Keziah. Tama simula ngayon ikaw na si Keziah. My daughter.

Masaya si Isadora ng natupad na ang kanyang pangarap. Ang magkaanak.

"Ohhhh, I heard the news. Someone left a child. Am I right? "said Lucio.

"Ehhh, kung mali ang narinig mo. Sino itong kaharap mo?" inis na sambit ni Isadora.

Habang tumatagal nawawalan ng saya sina Isadora at Lucio hanggang sa naisipan na ni Lucio na umalis ng bahay.

THE DAY SHE SAID I LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon